NEWS AND INTERVIEWS

We offer you to read the latest and most interesting news about football and sports. Stay updated with the latest transfer rumors, match results, and player interviews. Discover the behind-the-scenes stories of your favorite teams and athletes.

Get insights into the tactics and strategies used by top coaches and players. Explore the world of sports through in-depth analysis and expert opinions. Keep up with major sporting events, including the Olympics and World Cups.

From football to tennis, basketball to cricket, we cover a wide range of sports to cater to your interests. Experience the thrill and excitement of the sporting world through our comprehensive news coverage. Stay tuned for all the action-packed moments and unforgettable victories

PBA: Ikalawang sunod na panalo nasungkit ng Tropang Giga

Nasungkit ng TNT Tropang Giga ang kanilang pangalawang sunod na panalo matapos na talunin ang Blackwater Bossing, 109-93, sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Commissioner's Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium nitong Huwebes ng gabi, December 19. Itinuturing naman ni Jayson Castro na magandang pagkakataon ang nangyaring panalo ng kanilang koponan matapos ang kanyang pagbabalik kagabi. Hindi kasi nakasama si Castro sa nakalipas na tatlong laro ng koponan dahil sa tinamo nitong injury. Tinapos ni Castro ang laro matapos makapag-ambag ng 16 puntos sa kanyang pagbabalik na naging dahilan para makuha ng TNT ang panalo.Nanguna sa panalo ng Tropang Giga si Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 22 points, habang mayroon 19 si Rey Nambatac at 18 naman ang naitala ni Calvin Oftana.Samantala, sinabi ni TNT coach Chot Reyes na magiging malaking tulong sa kanila ang walong araw na pagpapahinga para sa Christmas break para matutukan ang kani-kanilang pamliya at pagkatapos ay ang kanilang patuloy na pag-eensayo. “The good thing was after that last game, we had a long break. And we used the break to work on our mechanics especially defensively,” ani coach Reyes. Magandang bagay din aniyang nalimitahan nila ang efficiency ni George King na nakapagtala lang ng 28 points para sa Blackwater. “Towards the last couple of days, we focused in on how to stop George King. We all know his ability from the four-point line. We really made it a point, we were very intentional in guarding the four-point line against George,” dagdag pa ni Reyes. Sa January 7, 2025, muling susubukan ng Tropang Giga na makuha ang kanilang ikatlong panalo laban sa Meralco Bolts sa Philsports Arena, habang sa January 8 naman ay haharapin ng Blackwater Bossing sa kaparehong venue ang Rain or Shine.The Scores:TNT 109 – Hollis-Jefferson 22, Nambatac 19, Oftana 18, Castro 16, Pogoy 12, Khobuntin 10, Galinato 6, Erram 4, Razon 2, Varilla 0, Aurin 0, Exciminiano 0.BLACKWATER 93 – King 28, Ilagan 19, Chua 9, Kwekuteye 9, David 8, Suerte 5, Escoto 4, Ponferrada 3, Montalbo 2, Casio 2, COrteza 2, Guinro 1, Ayonayon 1, Jopia 0, Hill 0.Quarter Scores:  28-18, 57-48, 82-69, 109-93.
1
View More

PBA: Converge, nakakuhang muli ng panalo vs. Fuel Masters

Nakuha ng Converge FiberXers ang kanilang ikalawang sunod na panalo kontra Phoenix Fuel Masters sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Commissioner’s Cup, 116-105, nitong Huwebes ng gabi, December 19, sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila. Hindi inakala ng FiberXers na makukuha pa nila ang panalo dahil sa hawak na ng Phoenix ang kalamangan sa first at second quarter ng laro, subalit hindi nagpakita ng pagkabalisa ang koponan ni coach Franco Atienza, manapa’y pinapagbuti pa nila ang higpit ng opensa at depensa sa kalaban. "We just stuck on. We didn't panic. We returned on how we run our system, run our offense and defense. It's nice because we have six players in double digits. They were also efficient in passing and on keeping their possession. We have 19 assists, and just 11 turnovers," ani Atienza. Pinangunahan ni Jordan Heading at ni Cheick Diallo ang laro kung saan nakakolekta ang mga ito ng tig-21 points, kasunod naman ang tig-16 points nina Schonny Winston at Bryan Santos, habang nag-ambag din si Alec Stockton ng 14 points. Samantala, nagulat naman si coach Atienza sa ipinakitang laro ng Phoenix kung saan pinaghandaan umano nito ang kanilang laban kontra Converge. “They came out really pre­pared. They caught us un­aware, surprised. Credit to their staff. It’s something new that they threw our way,” dagdag ni coach Atienza. Nasayang naman ang nagawang 30 points at 18 rebounds ni Donovan Smith, habang mayroong 20 si RJ Jazul para sa Phoenix.Sa December 21, haharapin ng Converge ang Barangay Ginebra sa Batangas City Coliseum, habang ang Fuel Masters naman ay susubukang kumuha ng panalo laban sa wala pang panalong Terrafirma Dyip sa January 7, 2025 sa Philsports arena. The scores:Converge 116 – Heading 21, Diallo 21, Winston 16, Santos 16, Stockton 14, Andrade 11, Arana 6, Baltazar 6, Racal 5, Delos Santos 0, Caralipio 0.Phoenix 105 – Smith 30, Jazul 20, Tio 13, Perkins 12, Rivero 11, Tuffin 8, Verano 4, Garcia 3, Soyud 2, Manganti 2, Salado 0, Alejandro 0, Muyang 0, Ular 0, Daves 0.Quarter Scores: 15-30; 48-54; 87-80; 116-105.
1
View More

PBA: Gin Kings inilampaso ang Terrafirma Dyip

Nakabalik ang Barangay Ginebra sa winning track matapos na talunin ang Terrafirma Dyip, 114-98, sa nagpapatuloy ng PBA Season 49 Commissioner's’ Cup na isinagawa sa Ninoy Aquino Stadium nitong Miyerkules ng gabi, December 18.Pinangunahan ni Justin Brownlee ang panalo ng Ginebra matapos kumamada ng 49 puntos, habang nag-ambag si RJ Abarrientos ng 18 puntos, anim na assists at dalawang steals, at may 17 puntos at limang rebounds naman si Troy Rosario.“We just wanted to bounce back and have a better outing. Tonight, I just found myself open a lot, so I just took advantage of that,” saad ni Brownlee.Dahil dito nakuha ng Ginebra ang 3-1 win-loss standing habang si Terrafirma ay nanatiling walang panalo sa nakaraan nitong anim na laro.Naging malaking hamon sa Gin Kings ang panalo nito dahil hindi nakapaglaro sina Japeth Aguilar at Stephen Holt, na parehong nasaktan noong Linggo nang makaharap ang Hong Kong Eastern.“We haven’t been able to assess as deeply as we want to assess, but neither of them were really to play tonight,” sabi ni Ginebra head coach Tim Cone.“It was a good win for us because we are missing two starters, two really important starters that have been contributing big time for us in Japeth and Stephen. There was a little bit of anxiety coming into this basketball game, wondering if we can match-up,” dagdag pa ng multi-titled mentor.Ang import ng Terrafirma na si Brandon Edwards ay nagtala ng 27 puntos at 12 rebounds, habang nag-ambag ng 19 na puntos si Vic Manuel para pangunahan ang Dyip.Samantala, may 11 points, siyam na rebounds, at tatlong steals si Stanley Pringle na unang beses nakaharap ang kanyang dating koponan.The Scores:Ginebra 114 - Brownlee 49, Abarrientos 18, Rosario 17, Thompson 8, Adamos 7, Pessumal 6, Mariano 5, Ahanmisi 4, Cu 0, Tenorio 0, Pinto 0.Terrafirma 98 - Edwards 27, Manuel 19, Pringle 11, Hernandez 10, Ferrer 9, Paraiso 8, Ramos 5, Melecio 5, Sangalang 2, Catapusan 2, Olivario 0, Hanapi 0.Quarter Scores: 26-20, 52-43, 85-69, 114-98.
4
View More

Gilas Youth bigong manalo vs. Jordan sa FIBA U18 Asia Cup 2024

2
View More

Boxing: Referee at mga hurado sa Jerusalem vs. Castillo fight inilabas na ng WBC

2
View More

Boxing: Charly Suarez, babalik sa lona vs. Andres “Savage” Cortes

2
View More

PH para swimmer Angel Otom natapos sa 6th place

2
View More

Hotshots, Batang Pier target ang 3-2 record

1
View More

Ernie Gawilan bigong makakuha ng medalya sa 400m freestyle final

1
View More

Blackwater layuning sungkitin ang ikalawang panalo kontra Phoenix

1
View More

UAAP coaches nagbahagi ng mga saloobin sa 4-point shot

3
View More

Gawilan, usad na sa final round pra sa men's 400m freestyle S7

3
View More

UAAP Commissioners para sa season 87, pinangalanan na

11
View More

Kapalit ni Jay Mckinnis, ipinakilala na ng Phoenix

1
View More

Meralco Bolts wagi vs. Batang Pier

3
View More

Rain or Shine hindi kampante sa magandang simula sa PBA

2
View More

Tennis: Novak Djokovic maagang namaalam sa 2024 US Open

3
View More

Melvin Jerusalem dedepensahan ang WBC title vs. Mexican boxer

1
View More

PH Blu Boys lalaban sa 2024 BFA U18

3
View More

Para swimmer Ernie Gawilan babawi sa 400m freestyle race

5
View More

Fil-Japanese MMA fighter, Junna Tsukii wagi sa kanyang debut fight

2
View More

George King susi sa panalo ng Blackwater vs. GIn Kings.

1
View More

Magnolia Hotshots tinambakan ang Dyip

1
View More

PH chess team nakasungkit ng 2 ginto sa Laos

1
View More

Gilas Pilipnas U18, handa na para 2024 FIBA U18 Asia Cup

5
View More

Norman Fegidero itinalagang coach ng Men’s football team sa bansa

4
View More

TNT panalo vs, Magnolia Hot shots

2
View More

Laban ni Zamboanga sa Oktubre naantala dahil sa Injury

4
View More