PBA: Tropang Giga, itotodo na ang laban vs. Rain or Shine

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Itotodo na ng TNT Tropang Giga ang kanilang buong makakaya sa Game 5 mamayang gabi laban sa Rain or Shine Elasto Painters sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Governors’ Cup semifinals sa Ynares Center sa Antipolo City at  para makuha ang huling panalo na siyang magdadala sa kanila sa finals. 

Pero kahit isang panalo na lang ang kailangan ng Tropang Giga, hindi pa rin nagpapakampante si coach Chot Reyes sa pagpasok nila sa PBA Finals. Pipilitin lang ng TNT na maipanalo  ang laban nila mamaya, pero wala pa sa isip ni Reyes ang finals. 

"The finals are farthest from our minds right now. Our only thought is to prepare for the next game (Game 5)," sabi ni Reyes. 

Gusto ng TNT na ma­kaabante sa kanilang pang-23 finals appearance, at  target ang ika-10 korona.

“Hopefully, on Friday, we come out with that kind of hunger and edge in Game 5,” dagdag ni Reyes.

Pipiliting pigilan naman ng Rain or Shine ang Tropang Giga para makakuha ng panalo at maipagpatuloy pa ang serye.

Nitong Miyerkules, tinalo ng TNT ang Elasto Painters sa isang dikitang laban, sa score na 81-79. 

Samantala, para naman sa Elasto Painters, hindi pa huli ang lahat para sa kanila. Positibo pa rin at umaasa si coach Yeng Guiao na maipapanalo nila ang Game 5 mamayang gabi kahit pa sa tingin ng iba ay wala na silang pag-asang manalo pa. 

"We still feel good about the series. It would be hard to climb back. But we're getting used to finding ways to win. Yes we're down but it could easily have been an even series. That's our perspective. It's positive. We're enjoying the series as we're learning a lot. Meron pa kaming pwedeng i-adjust na makakatulong sa amin," sabi ni Guiao. 

Ayon pa kay Guiao, isang opsyon na lang ang mayroon sila, iyon ay ang pigilan ang TNT na mapunta sila sa finals. 

"RHJ is playing more than 46 minutes a game, high intensity. Kung ma-extend namin into Game Six or Game Seven, there's the possibility he might tire out. That's our objective," dagdag ni Guiao. 

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
6
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
8
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
7
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
6
Read more

Angeline Colonia wagi ng ginto sa Asian Junior Weightlifting

AngelineColoniaPhilippineWeightliftingWeightlifting
7
Read more

Alas Pilipinas, sasagupa sa Thailand bukas sa SEA V.League Leg 1

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanShainaNituraEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasPhilippineVolleyballPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
4
Read more

Cone, naniniwalang handa ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup

CoachTimConeCalvinOftanaJuneMarFajardoChrisNewsomeGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
4
Read more

PSC Chair Gregorio, dumayo sa China para sa Gilas Pilipinas Women

GilasPilipinasWomenJohnPatrickGregorioAlPanlilioGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
13
Read more

June Mar Fajardo aminadong nahirapan sa depensa ng TNT

JuneMarFajardoJerichoCruzMarcioLasiterLeoAustriaAlfrancisChuaSanMiguelBeermenPBABasketball
5
Read more

Zamboanga Valientes hindi na itinuloy ang pagbili sa Terrafirma Dyip

BobbyRosalesWillieMarcialAtty.OgieNarvasaJunnieNavarroTerrafirmaDyipBasketball
6
Read more

Manny Pacquiao at Mario Barrios, kapwa humiling ng rematch

MannyPacquiaoMarioBarriosBuboyFernandezFreddieRoachPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
5
Read more

Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

LeoOrdialesBryanBagunasMarckEspejoRamonSuzaraAlasPilipinasPhilippineVolleyballPNVFAVCVolleyball
9
Read more

Mario Barrios, magiging maingat pa rin sa laban kontra Pacquiao

MarioBarriosMannyPacquiaoWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationMPPromotionBoxing
10
Read more

Pacquiao, pursigidong manalo kontra Barrios kahit may edad na

MannyPacquiaoMarioBarriosPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationTopRankMPPromotionBoxing
8
Read more