PBA: SMB naitabla sa 2-2 ang semis vs. Gin Kings

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Kagabi, ipinakita ng San Miguel Beermen ang kanilang matinding depensa para hindi makaporma ang Barangay Ginebra sa kanilang Game 4 ng PBA Season 49 Governors’ Cup semifinal series, 131-121.

Natuwa si SMB head coach Jorge Gallent sa magandang laro na ipinakita ng kanyang koponan dahilan kung kaya naitabla ng Beermen sa 2-2 ang kanilang best-of-seven match-up kontra Gin Kings. 

Ayon kay Gallent, hinamon nito ang kanyang players na maging malakas at mag-exert pa ng effort sa laro para magkaroon ng tsansang manalo, at hindi naman siya nabigo sa kaniyang inaasahan. 

"Na-challenge ko lang sila [sa] practice kahapon na kailangan lang lumabas na malakas, mag-effort, magdala ng maraming energy para malaki ang chance na manalo sa larong ito. And they responded very well. So, kudos sa kanila," sabi ni Gallent sa postgame press conference.

Bumida sa panalo ng Beermen si June Mar Fajardo na nakapagtala ng  29 points, 16 rebounds at tatlong assists habang ang import na si EJ Anosike ay nakapagbuslo ng 27. Nagdagdag naman ng 20 markers si CJ Perez, at tig-15 points kina Marcio Lassiter at Don Trollano.

Samantala, ayon kay Gin Kings coach Tim Cone wala sila naisagot sa naging performance ng SMB lalo na sa opensang ipinakita ng Beermen. 

“They’re just too good for us tonight. They were firing on all cylinders. We had no answer for them. They were hitting shots from the outside, they were getting to the rim, getting the ball to June Mar. We just didn’t have an answer for them tonight,” ayon kay Cone.

Dahil naman sa masaklap na pagkatalo ay pag-aaralan ng Gin Kings ang kanilang susunod na taktika para sa Game 5 sa Biyernes.

“Basically, it’s back to the drawing boards and we’ll figure out what we could do better next time around,” dagdag pa ni Cone. 

The scores:

San Miguel (131) - Fajardo 29, Anosike 27, Perez 20, Lassiter 15, Trollano 15, Romeo 14, Cruz 8, Ross 3.

Ginebra (121) - Brownlee 49, Holt 17, Thompson 15, J.Aguilar 12, Abarrientos 11, Ahanmisi 5, Tenorio 5, Pinto 3, Adamos 2, Devance 2, Cu 0.

Quarter scores: 34-28; 62-56; 99-85; 131-121.

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more