PBA: Tropang Giga hindi nagpatinag sa Game 4 vs. Elasto Painters

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Hindi nabigo ang TNT tropang Giga sa kanilang inaasam na 3-1 lead laban sa Rain or Shine Elasto Painters nitong Miyerkules ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Game 4 ng kanilang semifinal series sa PBA Season 49 Governors’ Cup.

Ang slam dunk na ginawa ni Rondae Hollis-Jefferson ang nagbigay ng bentahe sa Tropang Giga para makuha ang 81-79 na score sa natitirang 37.3 seconds ng laro.

Nagtala si Hollis-Jefferson ng 23 points, 19 rebounds, 5 assists, 5 steals at 5 blocks para pangunahan ang TNT. 

“It’s kind of tough, because I can’t dunk every play. But I knew we really needed a basket,” ani RHJ.

Samantala nag-ambag din ng tig-15 puntos sina Rey Nambatac at Calvin Oftana. 

Aminado si TNT coach Chot Reyes na nahirapan ang TNT dahil na rin sa higpit ng depensang ipinamalas ng Elasto Painters subalit hindi ito nagpatinag at ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya. 

"It was a grind and we just kept reminding the players to stick with it. We knew it was going to be a grind, actually," sabi Reyes.

Bagaman nagkaroon ng pagkakataon sina Andrei Caracut at Gian Mamuyac na maitabla ang laban o umabante sa laro, napalampas naman ng Elasto Painters ang pagkakataon habang unti-unting nauubos ang oras na pabor naman sa TNT. Hindi rin sumapat ang 22 points ay 18 rebounds na ginawa ni Aaron Fuller para sana madala ang laro sa overtime.

Kahit na nasisilayan na nila ang kanilang pag-asa sa finals, hindi pa rin kampante ang Tropang Giga dahil maari pa rin mabago ang ihip ng hangin.

“That’s far from our minds right now. Our thought is the preparation for the next game. Rain or Shine came up with a great game plan today, But I thought our players fought hard, buckled down, and gave a lot to the effort that they put in,” dagdag pa ni Reyes.

The scores:

TNT (81) - Hollis-Jefferson 23, Nambatac 15, Oftana 15, Castro 9, Erram 8, Williams 5, Pogoy 4, Aurin 2, Khobuntin 0.

Rain or Shine (79) - Fuller 22, Santillan 11, Norwood 8, Clarito 8, Mamuyac 6, Nocum 6, Belga 6, Caracut 4, Lemetti 3, Asistio 3, Datu 2.

Quarter scores: 18-22; 39-39; 63-59; 81-79.