British tennis legend Andy Murray nakatakda nang magretiro pagkatapos ng Paris Olympics
Nakatakda nang magretiro sa paglalaro ng tennis si three-time Grand Slam champion Andy Murray.
Ini-anunsyo ito ni Murray sa kaniyang Instagram account.
Pinasalamatan ni Murray ang kaniyang mga tagahanga maging sa kaniyang bansang
minamahal dahil sa patuloy na pag representa niya sa Olympics.
Si Murray ay halos 19 na taon nang naglalaro ng tennis at nakatakda nang tapusin ang kaniyang karera sa larangan ng tennis pagkatapos ng Paris Olympics.
Matatandaang nakapag-uwi si Murray ng dalawang gintong medalya sa Olympics para sa Great Britain noong 2012 matapos na talunin si Roger Federer sa kanilang straight sets
Tinapos din ni Murray ang halos 70 taong tennis title drought ng Britanya sa men’s single nang manalo siya sa Wimbleton title noong 2013.