Billiards: Team Asia abot kamay na ang tagumpay sa Reyes Cup 2024

Rico Lucero
photo courtesy: matchroompool.com

Abot kamay na ng Team Asia ang tagumpay sa nagpapatuloy na 2024 Reyes Cup na ginaganap ngayon sa Ninoy Aquino Stadium.

Nitong Huwebes ay tinapos ng Team Asia ang kanilang laban sa score na 5-3 pabor para sa 2nd double match sa pangunguna nina Aloysius Yapp at Carlo Biado.  

Sa simula ng laban nangibabaw sila sa team play, 5-1, para makuha ang ikawalong panalo.

Bago nito ay tinapos ng magkakamping sina Jayson Shaw at Francisco Sanchez Ruiz ang anim na larong panalo ng Team Asia ng talunin ng mga ito sina Ko Pin Yi at Johann Chua sa score na 5-3. Umaasa naman si Pinoy billiards player Johann Chua na kayang-kaya ng Team Asia na manalo sa nalalabing laban. 

"Ine-expect namin na manalo. It's gotta be hard for them to beat us. The job is not done. We're still gonna do like what we did since the first day. We'll enjoy and focus to try to get the W," sabi ni Chua. 

Sa ngayon, ang Asia Team ay mayroon nang 9-3 score matapos ang tatlong araw ng billiard games kung saan ang unang koponan na makakakuha ng 11 points ang siyang tatanghaling kampeon. Dahil dito, dalawang panalo na lamang ang kailangan nila para makuha ang kampeonato sa Reyes Cup ngayong Biyernes, October 18. 

Magugunitang ang Reyes Cup ay itinaguyod at inorganisa para kilalanin ang naging kontribusyon sa larangan ng billiard ni Pinoy legendary billiard great, ‘The Magician’  Efren “Bata” Reyes.

Day 3 Results:

- Team Asia 5-1 Team Europe (Team Match)

- Jayson Shaw and Francisco Sanchez Ruiz (Europe) 5-3 Johann Chua and Ko Pin-yi (Asia)

- Carlo Biado and Aloysius Yapp (Asia) 5-3 Jayson Shaw and Eklent Kaci (Europe)