The “Wonder Boy” panalo sa Amerika laban kay Portillo ng Mexico

CarlJammesMatin PhilippineTeam TeamKnuckleHead IfugaoPromotion Boxing
Jet Hilario
EDITORIAL TEAM/JET HILARIO

Sa unang pagkakataon nasungkit agad ni Carl Jammes Martin ang kanyang unang panalo sa Amerika matapos nitong talunin si Fransico Portillo ng Mexico sa ikawalong round ng kanilang laban at nakuha ang Unanimous Decision nitong Sabado ng gabi, Mayo 31, sa Michelob Ultra Arena sa Las Vegas, Nevada.

Sinubukan ni Martin na patumbahin at gawin ang lahat para ma-knockout ang kalaban subalit sadyang mahusay at magaling si Portillo. Subalit sa Round 6, bumagsak si Portillo at ito ang naging malaking puhunan ni Martin kung kaya nakuha niya ang mga paborableng scores mula sa mga hurado; Tim Chaetham (parehong 78-73) at Don Trella (79-72) kung saan siya ang malinaw na nanalo.

“Veteran boxer po ang nakalaban ko, hindi pa siya napapatumba ng mga world champion, sinubukan po nating ma-KO at ginawa ang lahat para ma-impress natin mga Kano at mundo. Sobrang dami ko pong natutunan, and hindi po siya basta basta kalaban. Napakagaling at naging mabigat na challenge sa akin,” ani Martin.

Si Martin ay may malinis ngayong record na 26-0 (Win-Loss) na may 20 knockouts samantalang laglag naman ang 30 taong-gulang na Amerikano sa 19-13-2 (win-loss-draw) na mayroong 11 KOs.

Sa kabila ng kanyang tagumpay ngayon sa larangan ng boxing, hindi nakakalimot si Martin na magpasalamat sa Panginoong Diyos na kinikilala niyang nagbigay sa kanya ng patnubay at karangalan na kanyang nakamit. 

Ito ay isang katangian ng atletang Pilipino na sa anumang uri ng laban ay laging ipinagpapaunang pasalamatan ang Diyos sa kanyang buhay. 

Maging ang kanyang mga taga suporta at Pinoy fans ay pinasalamatan din ni Martin lalo na ang buong kapatiran sa loob ng Iglesia ni Cristo kasama ang kanilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC na si Kapatid na Eduardo V. Manalo at ang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalatahan na si Kapatid na Angelo Erano V. Manalo.

“Maraming maraming salamat po sa inyo sa mga sumuporta sa akin, sa mga kababayan ko sa Pilipinas. Kaunahang banggitin ko ang aming Tagapamahalang Pangkalahatan ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, ang Kapatid na Angelo Erano Manalo at ang mga kapatid namin sa Iglesia sa buong mundo, mga kababayan ko sa Pinas, Maraming salamat po sa inyo, pati sa mga boxing fans, thank you po sa suporta at panalangin po ninyo sa para sa akin,”  dagdag pa ni Martin. 

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
1
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
1
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
3
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollies-JeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
4
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
4
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
4
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
4
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
4
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
9
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
24
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
31
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
25
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
25
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
21
Read more