Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

Magbibigay ng donasyon ang East Asia Super League para sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa lalawigan ng Cebu.
Ito ay sa pamamagitan ng “Relief Game” ng EASL sa pagitan ng Meralco Bolts at ng Macau Black Bear sa darating na Sabado, Nobyembre 15.
Ayon kay EASL CEO Henry Kerins, lahat ng kikitain ng labang ito sa Sabado, ay mapupunta lahat sa mga biktima ng Bagyong Tino.
“All proceeds from the game are matched by Cebu City and Cebu Governor for relief. Landmark night for the league (with) its first charity game for disaster relief…all ticket revenue will go directly to those affected by the earthquakes and flooding that hit Cebu.” ani Kerins.
Umaasa ang EASL na makakapagbigay ng bagong pag-asa ang basketball for a cause lalo’t tampok sa Meralco Bolts ang proud Cebuano na si Raymar “Toto’ Jose.
Ito ang magiging ikalawang EASL game sa Cebu matapos ang hosting ng 2024 EASL Final Four sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City tampok ang kampeonato ng Chiba Jets ng Japan kontra sa Seoul SK Knights ng Korea.






















