Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

Sasabak si Filipina tennis star Alex Eala sa isasagawang 2025 MGM Macau Tennis Masters sa susunod na buwan.
Makakasama ni Eala ang mga mahuhusay na mga tennis player kung saan isang exhibition format ang ipatutupad sa naturang event na pangungunahan nina tennis legends at dating Grand Slam champion Li Na at Conchita Martinez.
Bukod kay Eala, masisilayan din sa naturang naturang event sina world No. 9 Mirra Andreeva, at sina ATP players Shang Juncheng, Jack Draper at Jakub Menšík.
Una rito, maglalaro muna si Eala sa isasagawang 33rd SEA Games sa Thailand sa darating na Disyembre 9 hanggang 20 sa Thailand bago lumahok sa Macau Tennis Masters.
Ito na rin ang huling season ng paglalaro ni Eala ng tennis sa taong ito.
“My season comes to an end. I have no words to describe what 2025 has brought me. My dreams have truly come alive,” ani Eala.






















