Justin Brownlee, maituturing ngayong haligi ng Gin Kings

Rico Lucero
Barangay Ginebra import Justin Brownlee

Magmula ng ipatupad ang pagkakaroon ng import sa Philippine Basketball Association or PBA, marami na ring mga naging import sa ligang ito ang umukit ng kani-kanilang pangalan at marami na rin sa kanila ang nakilala na at iniidolo ng maraming Pilipino.

Isa na riyan si Justin Brownlee ng Barangay Ginebra, na umuukit na rin ng kanyang sariling kasaysayan sa liga at maraming Pilipino na rin ang humahanga sa kanyang husay at galing sa paglalaro ng basketball sa bansa. 

Isa rin si Brownlee sa mga nagdala sa Gilas Pilipinas noong sila ay lumaban sa mga bansang China, Japan, at Cambodia.

Bagaman may edad na rin, hindi ito naging hadlang sa kanya para hindi pangunahan sa tagumpay ang Gin Kings. 

Sa panayam ng Laro Pilipinas kay Brownlee, sinabi nitong ang kanyang mga tagahanga at tagasuporta sa kanyang karera ang naging inspirasyon at motibasyon para lalo pa siyang magpursigi sa mga laro at laban sa PBA. 

“Just the motivation of all the fans every day. The inspiration from my teammates and my family, of course, and just love the game.”

Sinabi pa nito sa Laro Pilipinas na lagi siyang nagpapasalamat dahil sa ganda ng larong basketball sa bansa ay nabigyan siya ng oportunidad na makapaglaro sa liga. 

“You know, basketball is a beautiful game, a beautiful sport, and I have just been blessed to have the opportunity to be able to go out there and compete, and you know, be healthy.” 

Ibinahagi naman ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone na isa si Brownlee sa mahusay na manlalaro nila sa koponan. 

Ayon pa kay Cone, mahal na mahal si Brownlee ng kanyang mga teammates. 

“He is such a nice guy and such a great teammate. His teammates love him,” sabi ni  Ginebra coach Tim Cone sa Laro Pilipinas. 

Pinuri din ni coach Tim Cone si Brownlee dahil sa pagkakaroon nito ng mababang loob bilang isang player at hindi naglalaro lang para sa kanyang sarili lamang. 

“He is humble and he is quiet, but there is that deep part of him inside that is really competitive. He really likes to win, and I think he really likes to win just so he could see his teammates be happy. Because he really loves his teammates.” 

Bagaman sa Game 1 ng finals ay natalo ang Gin Kings sa iskor na 104-88 kontra TNT Tropang Giga nitong Linggo ng gabi sa kanilang best-of-seven finals ng PBA Governors’ Cup, dahil sa napaghandaan ng Tropang Giga ang kanilang depensa, subalit maluwag na tinanggap ito ni Gin Kings head coach Tim Cone. 

“They took a lot of what we wanted to do away from us. We shot the ball poorly with 2-for-21 from the three-point line," sabi ni Cone. 

Saanman dalhin ng kanyang mga paa si Justin Brownlee, sa Gin Kings man o sa Gilas Pilipinas, nakakatuwang makita ng mga tagasuporta niya at ng Gin Kings ang kanyang playing performance.

“I was a guy that came and gave my all, gave my best, and hopefully I can inspire younger kids or whoever. Just go out there and be motivated and inspired to do your best no matter the circumstances are,” saad ni Brownlee.

“Everything is not always going to be great, but even through tough times, just keep pushing through and keep working for a greater purpose,” pagtatapos ni JB.

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more