Pilipinas humakot ng mga medalya sa 2024 Buccaneer Invitational Swimming Championships

Rico Lucero
Photo Courtesy: pilipinostarngayon

Hindi nagpa-awat ang Behrouz Elite Swimming Team (BEST) ng bansa matapos na humakot ng apat na gintong medalya sa pagpapatuloy ng 2024 Buccaneer Invitational Swimming Championships na ginaganap sa St. Mary’s International School swimming pool sa Tokyo, Japan.

Tatlong ginto ang napasakamay ni Kristian Yugo Cabana na mula sa Lucena City matapos walisin nito ang lahat ng tatlong events nito sa boys’ 13-14 category.

Namayagpag si Cabana sa 100m butterfly matapos na maiitala nito ang 58.71 segundo upang maungusan sina silver medalist Nicolas Radzimski ng Poland na nakakuha ng 1:02.16 at bronze medalist Luca Hashimoto ng Japan na may 1:05.03.

Muling humataw si Cabana nang pagharian nito ang 400m Individual Medley at 100m freestyle para makumpleto ang three-event sweep.

“Hindi ko po ini-expect na makukuha ko lahat ng golds and I’m happy na nagbunga lahat ng pagsisikap ko sa training. Hopefully magtuluy-tuloy dahil may three events pa akong lalabanan,” ani Cabana.

 

Tatlo pang events ang lalahukan ni Cabana sa final day kung saan pakay nitong makuha ang ginto sa 100m backstroke, 200m butterfly at 200m IM.

Samantala, nagparamdam din ng puwersa si Therese Annika Quinto na umani ng isang ginto at isang tanso sa girls’ 13-14 division.

Maliban sa apat na ginto at isang tanso, may naibulsa rin ang BEST squad na isang pilak mula kay Juancho Jamon sa boys’ 10-under 50m backstroke at dalawang tanso mula kina Athena Custodio sa girls’ 13-14 200m backstroke at Behrouz Mohammad Madi Mojdeh sa boys’ 13-14 100m butterfly.

Ayon kay BEST team manager Joan Mojdeh, determinado at gustong gusto ng mga Pinoy swimmers na makapag-uwi sila ng medalya para sa bansa.

“Nagdeliver talaga ang mga bata. Nandun yung eagerness nila to win medals and we’re hoping na madagdagan pa dahil marami pa silang events na natitira,” ani Mojdeh.

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more