Pinoy Masters 45 up nasungkit na ang gold medal vs. Mongolia

GilbertMalabanan RendellDelaRea GuinessNabong VictorAgapito RonnelDavid MastersPinoyPilipinasBasketball Basketball
Jet Hilario
EDITORIAL TEAM/JET HILARIO

Nagwagi ang Masters Pinoy Pilipinas Basketball team sa 45-up division sa World Masters Games, kung saan nasungkit nito ang gintong medalya, laban sa Mongolia nitong Lunes, Mayo 26, sa Fujen Catholic University Gymnasium sa Xinzhuang, New Taipei City, Taiwan, 103-92.

Pinangunahan ni Masters Pinoy Pilipinas Basketball  team captain na si Gilbert Malabanan, ang laro kung saan nakapagtala ito ng impresibong stat line na 25 puntos, pitong rebound, walong assist, at dalawang steals. Ang kanyang all-around performance at court command ang nag-angkla sa koponan sa buong championship game.

Nagdagdag naman ng puntos ang Sharp-shooting guard na si Rendell Dela Rea ng firepower mula sa perimeter, na nagpatumba din ng apat na three-pointer at nagbibigay ng tuluy-tuloy na opensiba at hinigpitan ang depensa kontra Mongolian team.

Habang si Marlon Basco naman ay nakapagtala ng double-double na 23 puntos at 11 rebounds, kasama ang apat na assists, dalawang steals, at isang block. Sinikap din nitong pigilan ang mga inside attack na ginagawa ng Mongolia.

Nagbigay din ng mahalagang kontribusyon si Guiness Nabung sa simula ng laro kung saan nakapag-ambag ito ng apat na puntos, dalawang rebound, at dalawang assist, na nagdagdag ng balanse sa magkabilang dulo ng court.

Pinatunayan naman ni Roger Yap ang kaniyang mahalagang gamp[panin sa loob ng court para makuha ang gintong medalya. Ang beteranong guwardiya ay nagsilbing stabilizer ng koponan.  

Si Yap ay kumamada ng triple-double, nagtala ng siyam na puntos, pitong rebounds, at isang game-high na 13 assists. Ang kanyang pamumuno sa loob ng court ang naging instrumento sa para gabayan ang koponan mula sa isang siyam na puntos na defecit  tungo sa isang mapagpasyang 11 puntos na panalo.

Sa kabuuan, pinairal ng Masters Pinoy Pilipinas Basketball squad ang kanilang team effort at hinigpitan ang kanilang opensa at depensa kontra sa kanilang kalaban. 

Sa facebook post, pinasalamatan ni Masters Pinoy Pilipinas Basketball Team Manager Rey Punongbayan ang Mongolian Basketball Team dahil sa ibinigay nitong magandang laban kontra Philippine team. 

“Thank you Mongolia for giving us a tough competition in the Finals of the 2025 World's Masters 45up Premier Division.” ani Punongbayan sa kanyang social media post.

Nagpasalamat din si Punongbayan sa buong coaching staff ng Masters Pinoy Pilipinas Basketball team lalo na sa mga players nito na tunay na nagsakripisyo para makuha ang kampeonato sa edisyon na ito ng World Masters Game 2025 para sa karangalan ng bansang Pilipinas. 

“Thank you to the Coaches, Coach Arlene Rodriguez, Asst Coaches Dann Michael Caneba, Albert Valbuena and Diego Padua. Thank you the players who sacrificed a lot just have the opportunity to play after for flag and country. Their names will all go down as the very first Basketball team of The Philippines to participate in the World's Masters Games or the Olympics of Masters.” sabi pa ni Punongbayan sa panayam ng Laro Pilipinas.  

Ayon pa kay Punongbayan na isa mga long term plan ng kanilang koponan ay ang pag-oorganisa ng mga local basketball league na pangungunahan mismo ng  coaching staff ng Masters Pinoy Pilipinas Basketball team. 

Sasali din ang Masters Pinoy Pilipinas Basketball team sa Pan-Pacific games sa Gold Coast Australia at paghahandaan ang muli nilang pagsali sa  2027 World's Masters Games na gaganapin naman sa Kansai Japan

Samantala, labis ding ikinatuwa ni winning Coach Arlene Rodriguez ang pagkakasungkit ng kampeonato dahil nagbunga din ang kanilang mga sakripisyo lalo na ang mga ginawa nilang pagsasanay para sa torneyong ito, maging ang lahat ng mga sumuporta sa kanilang laban. 

"To the Philippines, we’re bringing home the bacon (gold). "We hope you continue to support our athletes. This means so much to us, especially because it allows our country to be recognized by other nations through sports. In times of uncertainty and challenges back home, sports can keep our spirits alive. And to everyone who supported us—thank you very, very much," ani Rodriguez

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
6
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
8
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
7
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
6
Read more

Angeline Colonia wagi ng ginto sa Asian Junior Weightlifting

AngelineColoniaPhilippineWeightliftingWeightlifting
7
Read more

Alas Pilipinas, sasagupa sa Thailand bukas sa SEA V.League Leg 1

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanShainaNituraEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasPhilippineVolleyballPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
4
Read more

Cone, naniniwalang handa ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup

CoachTimConeCalvinOftanaJuneMarFajardoChrisNewsomeGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
4
Read more

PSC Chair Gregorio, dumayo sa China para sa Gilas Pilipinas Women

GilasPilipinasWomenJohnPatrickGregorioAlPanlilioGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
13
Read more

June Mar Fajardo aminadong nahirapan sa depensa ng TNT

JuneMarFajardoJerichoCruzMarcioLasiterLeoAustriaAlfrancisChuaSanMiguelBeermenPBABasketball
5
Read more

Zamboanga Valientes hindi na itinuloy ang pagbili sa Terrafirma Dyip

BobbyRosalesWillieMarcialAtty.OgieNarvasaJunnieNavarroTerrafirmaDyipBasketball
6
Read more

Manny Pacquiao at Mario Barrios, kapwa humiling ng rematch

MannyPacquiaoMarioBarriosBuboyFernandezFreddieRoachPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
5
Read more

Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

LeoOrdialesBryanBagunasMarckEspejoRamonSuzaraAlasPilipinasPhilippineVolleyballPNVFAVCVolleyball
9
Read more

Mario Barrios, magiging maingat pa rin sa laban kontra Pacquiao

MarioBarriosMannyPacquiaoWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationMPPromotionBoxing
10
Read more

Pacquiao, pursigidong manalo kontra Barrios kahit may edad na

MannyPacquiaoMarioBarriosPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationTopRankMPPromotionBoxing
8
Read more