PBA: Tropang Giga, muling inilampaso ang Gin Kings; 2-0 lead hawak na ng TNT

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Naging agresibo muli ang TNT Tropang Giga  para makuha ang panalo laban sa Barangay Ginebra, 96-84, upang makuha ang ang 2-0 lead sa serye ng pagpapatuloy ng kanilang best-of-seven series ng PBA Season 49 Governors’ Cup Finals, Miyerkules ng gabi sa Araneta Coliseum. 

Humataw sa Game 2 si Rondae Hollis- Jefferson, na nakapagtala  ng 37 points, 13 rebounds, 7 assists, 1 steal at 1 block, kung saan halos 48 minuto rin itong naglaro sa hardcourt.

Ipinagpaqsalamat ni RHJ ang kanilang pagkakapanalo sa Maykapal dahil nakatagal ito at nakumpleto ang halos buong oras ng kanilang labanan. 

"I was blessed. I gotta give credit to God. At the end of the day, I were able to compete at a high level, you know, and sustain it for a long time," sabi ni RHJ sa iang panayam pagkatapos ng laro. 

Bagaman, sa unang tatlong quarter ay halos nagpapalitan lang ng lamang ang makalaban, subalit pagpasok ng fourth quarter ay dito na nagkaroon ng run ang TNT kabilang ang tig-isang three-point shot nina Jason Castro at RR Pogoy para tuluyang lumayo ang lamang ng Tropang Giga. 

Ayon naman kay TNT coach Chot Reyes, tiniyak aniya nila na hindi masasayang ang kanilang mga open shot at sinamantala na rin nila ang bawat pagkakataon sa laro. 

"We take what are the opportunities in front of us. If they play us a certain way, then we're going to take the penetration or drive. If they cover that, then we make sure we get the next best open shot," ani Reyes. 

Bukod kay RHJ, nag-ambag din si Calvin Oftana na mayroong 13 points at 14 rebounds, at Glenn Khobuntin na mayroong 13 markers. 

Samantala, nakapag-ambag naman si Justin Brownlee ng 19 points habang mayroong 18 si Scottie Thompson. Tig-11 na puntos naman ang naitala nila Stephen Holt at Japeth Aguilar para sa Gin Kings. 

Sa Biyernes, November 1, sisiguraduhin ng TNT Tropang Giga na muling makuha ang panalo sa Game 3 para mas mapalapit pa sa inaasam na korona. 

The Scores:

TNT 96 – Hollis-Jefferson 37, Oftana 13, Khobuntin 13, Castro 9, Pogoy 9, Nambatac 6, Erram 4, Williams 3, Aurin 2

GINEBRA 84 – Brownlee 19, Thompson 18, Holt 11, J.Aguilar 11, Abarrientos 7, Ahanmisi 7, Cu 7, Pinto 4

QUARTERS: 19-23, 49-41, 72-71, 96-84.

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more