NEWS AND INTERVIEWS

We offer you to read the latest and most interesting news about football and sports. Stay updated with the latest transfer rumors, match results, and player interviews. Discover the behind-the-scenes stories of your favorite teams and athletes.

Get insights into the tactics and strategies used by top coaches and players. Explore the world of sports through in-depth analysis and expert opinions. Keep up with major sporting events, including the Olympics and World Cups.

From football to tennis, basketball to cricket, we cover a wide range of sports to cater to your interests. Experience the thrill and excitement of the sporting world through our comprehensive news coverage. Stay tuned for all the action-packed moments and unforgettable victories

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

Volleybukids---Ito ang pangalan ng grupo ng mga kabataang mahilig sa volleyball sa isang maliit na komunidad sa Morong Bataan.Sinimulang buuin ito noong 2020 ng isang college student na mahilig sa volleyball na si Pedro Aquino Jr.Hindi naging madali sa simula ang pagbuo sa kanilang grupo dahil mas patok din na laro sa kanilang lugar at suportado pa  ng kanilang lokal na pamahalaan ang baseball at softball.Pero nang dahil sa kagustuhan ni Pedro na makagawa ng mabuti sa kapwa at makatulong na mahubog ang kakayahan ng mga kabataan sa kanilang lugar sa larong volleyball, siya na mismo ang gumawa ng paraan para mag magkaroon ng mga kailangan nilang kagamitan.Pangarap din ng mga kabataang ito na mapabilang sa mga hinahangaan nilang volleyball team sa bansa.Ikinuwento sa amin ni Pedro ang kanilang karanansan sa pagsasanay at paglalaro ng volleyball.Kuwento pa ni Pedro na, noong una ay pinaglumaang duyan at bola ng basketball ang ginamit nila sa tuwing sila ay maglalaro ng volleyball."Nagsimula kami noong 2020 noong nagkaroon ng COVID 19  pandemic, lumang duyan at rubber ball ang ginagamit namin sa paglalaro ng volleyball dito sa aming lugar," ani Pedro.May pagkakataon din aniyang nakaranas sila ng diskriminasyon at discouragement mula sa ibang tao."Minsan kaming humingi ng tulong sa mga opisyal sa aming lugar para masuportahan ang aming grupo pero mas priority nila ang ibang sports gaya ng baseball kesa volleyball. Nakaranas din ang grupo namin ng discrimination, pero hindi kami nawalan ng pag-asa," dagdag pa nito.Isang paraan ang naisip ni Pedro para masuportahan sila at matulungan ang kanilang grupo, ito ay ang paghingi niya ng alalay mula sa Spike and Serve Philippines---isang organisasyon na pinangungunahan ng isang magiting na volleyball player sa UAAP at ngayon ay kabilang sa Petro Gazz Angels na si Nicole Tiamzon."Sinubukan kong mag reach out kay ate Nicole at sa Spike and Serve para ilapit sa kanila ang aming club at agad nila kaming tinulungan.""Very thankful ako kay ate Nicole sa tulong at suporta na ibinigay nila sa akin at aming grupo."Nakatawag ng pansin sa Spike and Serve at kay coach Tiammy (kilala ring tawag kay Nicole Tiamzon) ang dedikasyon at paghahangad ni Pedro na tulungan ang mga miyembro ng Volleybukids.Dahil dito, hindi na nag-aksaya pa ng panahon at pagkakataon si coach Tiammy at ang Spike and Serve para tulungan ang grupong Volleybukids.Ayon kay coach Tiammy, nakita aniya niya ang passion ni Pedro na makatulong sa kaniyang kapwa tao kahit sa maliit at sa ganitong paraan ay makatulong na mahubog ang kasanayan ng mga kabataan sa volleyball."Ini-reach out kami ni Pedro noong 2020 at ipinakita niya sa amin ang ginawa niyang pagtulong at pagbuo sa grupong Volleybukids, so we help them, and give them the things that they need," ani coach Tiammy.Nagpadala ang Spike and Serve ng mga bagong gamit sa volleyball gaya ng net at bagong bola.Pinakabitan din ng Spike and Serve ng mga solar lights ang lugar kung saan sila nag lalaro at nag-eensayo."Nag-donate kami ng mga bola at net para sa kanila at pinakabitan namin sila ng mga solar lights para may ilaw dito sa lugar nila kapag maglalaro at mag-eensayo sila ng volleyball."Ang ganitong pagtulong ng Spike and Serve ang nagpalakas ng loob sa mga kabataan ng Volleybukids para lalo pa nilang pagbutihin ang pag eensayo at paglalaro ng volleyball sa kanilang lugar upang pagdating ng tamang panahon ay mapapabilang ang marami sa kanila sa mga kilalang volleyball team sa bansa na lumalahok sa mga international competition.  "Hindi lang skills sa larong volleyball ang gusto naming ma-develop sa mga kabataang aming tinutulungan, kundi mahalaga at importante sa lahat ay ang hubugin sila na magkaroon ng magandang pag-uugali, dahil iyan ang layunin ng Spike and Serve---'Building Community through Sports'," pagtatapos ni coach Tiammy.
PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

Nagkampeon ang 20-anyos Pinoy Muay Thai fighter na si LJ Rafael Yasay sa U-23 male 51kg finale matapos talunin ang pambato ng host country Vietnam na si Ly Dieu Phuoc sa Asian Muay Thai Championships, sa final score na 30-27.Matatandaang namayagpag si Yasay sa International Federation of Muaythai Associations (IFMA) World Senior Muay Thai Championships na ginanap sa Patras, Greece noong nakaraang taon, kung saan nakapag-uwi rin siya ng dalawang gintong medalya.Samantala, bagamat hindi nagwagi sa kanyang laban sa naturang competition, nasungkit ni Filipina fighter Rhichein Yosorez ang silver medal matapos mapataob ang Vietnamese na si Mai Hoang Khanh sa U-23 female 45kg finale sa final score na 28-29.Nakamit naman ni Albert Pangsadan ang isa pang silver medal para sa Pilipinas kahit na bigo itong magwagi laban kay Duong Duc Bao ng Vietnam sa U-23 male 48kg finale sa final score na 27-30.
LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

Patuloy na gumagawa ng pangalan sa tennis world ang 20-anyos na Filipina sensation na si Alex Eala matapos makapasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open, kasunod ng isang dominanteng panalo laban sa Ukrainian na si Dayana Yastremska nitong Huwebes, Hunyo 27 (oras sa Pilipinas).Ipinakita ni Eala ang kanyang determinasyon sa pamamagitan ng isang matatag na 6-1, 6-2 na panalo kontra sa World No. 42 na si Yastremska. Dumating ang tagumpay na ito isang araw lamang matapos niyang gulatin ang World No. 20 at dating Grand Slam champion na si Jelena Ostapenko—isa sa pinakamalalaking panalo ng kanyang batang karera.Sa kabila ng malalakas na bugso ng hangin sa Eastbourne, nanatiling kalmado at kontrolado si Eala sa buong laban. Gumamit siya ng malalalim at consistent return upang pigilan ang lakas ng palo ng kalaban. Kitang-kita ang dominasyon ni Eala sa laban, na may lamang na 57-37 sa total points.Walang sinayang na pagkakataon si Eala, na na-convert ang lahat ng pitong breakpoint opportunities laban kay Yastremska. Bukod pa rito, limitado sa 10 lamang ang kanyang unforced errors—malayo sa 24 ng kanyang kalaban. Gamit ang mahusay na court awareness at pagbabasa ng galaw ng kalaban, si Eala ang nagdikta ng tempo mula simula hanggang matapos.Ito ang kanyang ikalawang pagpasok sa WTA semifinals, kasunod ng breakout performance niya sa 2025 Miami Open—ang torneo na unang nagbukas ng pinto para sa kanya sa pandaigdigang tennis stage.Ngayon ay dala ni Eala ang isang five-match winning streak sa grass court—dating itinuturing na isa sa kanyang mga kahinaan. Ngunit pinatunayan niyang kaya niyang mag-adjust at magtagumpay sa anumang surface.Sa semifinals, haharapin niya ang French player na si Varvara Gracheva, kasalukuyang World No. 111. Isa itong magandang oportunidad para makamit ni Eala ang kanyang kauna-unahang WTA final at makapaghanda para sa kanyang inaabangang debut sa Wimbledon.Sa bawat tagumpay, lalong pinapatatag ni Alex Eala ang kanyang posisyon bilang isa sa pinakamaliwanag na bituin ng bagong henerasyon ng women’s tennis.
AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

ICF Dragon Boat World Championships, aarangkada na ngayong araw sa Palawan.

11
Read more

PBA: Tropang Giga, muling inilampaso ang Gin Kings; 2-0 lead hawak na ng TNT

9
Read more

UST mentor Haydee Ong itinalagang komisyoner ng WMPBL

13
Read more

Olympic pole vaulter EJ Obiena, handa na uli sumabak sa mga torneo

9
Read more

PBA: Tropang Giga target ang 2-0 lead vs. Gin Kings

8
Read more

Boxing: Mike “Magic” Plania nakuha ang 3rd round TKO win vs. Colombian boxer

12
Read more

Philippine Olympic Committee, nais makapagpadala ng maraming atleta sa SEA Games

9
Read more

Bomogao, makikipagbuno sa ONE Championship sa November 8

15
Read more

Pilipinas humakot ng mga medalya sa 2024 Buccaneer Invitational Swimming Championships

9
Read more

Justin Brownlee, maituturing ngayong haligi ng Gin Kings

10
Read more

Nambatac, impresibo sa unang salang sa PBA finals

10
Read more

3-point record naitabla ng Boston Celtics sa opening night ng NBA Season 79

6
Read more

Lakers nakuha ang unang panalo laban sa Timberwolves sa pagbubukas ng NBA season

14
Read more

Boston Celtics nakuha ang panalo kontra New York Knicks sa pagbubukas ng NBA season 79.

12
Read more

79th season ng NBA nagsimula na ngayong araw

16
Read more

NCAA: JM Bravo, nakalabas na ng ospital pero under observation pa sa loob ng 3 araw

5
Read more

PBA: Stephen Holt, sabik na makakuha ng kanyang unang panalo sa PBA championship

11
Read more

Exclusive: Performance level ng Beermen, inilahad ni SMB team consultant Leo Austria

15
Read more

PBA: Tropang Giga, itotodo na ang laban vs. Rain or Shine

16
Read more

UAAP: Royce Alforque lalaban hanggang dulo para sa FEU

13
Read more

Billiards: Team Asia abot kamay na ang tagumpay sa Reyes Cup 2024

11
Read more

10 medalya nasungkit ng Pilipinas sa 2024 Korea Open Sambo Championships

13
Read more

Pinay Martial artist wagi ng ginto sa 8th Asian Pencak Silat Championship 2024

17
Read more

PBA: SMB naitabla sa 2-2 ang semis vs. Gin Kings

12
Read more

PBA: Tropang Giga hindi nagpatinag sa Game 4 vs. Elasto Painters

11
Read more