Blog

For some, sports betting is a means of entertainment, for others it is a way to earn extra money. However, few people are able to correctly predict the outcome of a sporting event, and these people are called professional betting players.

This section publishes articles by experienced betting players, as well as many other interesting materials for those who want to learn how to bet on sports and succeed in this.

“Taympers”: Two-break mahalaga sa isang basketball series

Sa isang best-of-seven series sa larong basketball, napakalaking bagay na magkaroon ng two-day break.Una, maipapahinga ng mga players ang mga pagod nilang mga pangagatawan lalo na at may 48 minuto na playing time sa isang laro, magiging 53 pa kung aabot ito sa overtime. Magagamit din ng mga players ang dalawang araw na pahinga upang maka-recover sa mga injuries na meron sila.Ikalawa, makakapagbigay din ito ng oras sa mga coaches para mag-huddle ng mas maayos upang may mas maganda silang game plan na ipapakita sa susunod nilang laro.Tulad ng laging sinasabi ng mga basketball mentors, ang isang seven-game series ay isang mahabang serye kaya’t kung mas mahaba ang pahinga at paghahanda, mas makakabuti sa lahat ng koponan.Mas mapapag-aralan din ng mga coaches ang laro at mas makakapagbigay sila ng panibagong estratehiya habang hinahanda ang kanilang mga manlalaro at buong team para ibigay ang lahat ng makakaya hindi lamang sa isang laro kundi sa buong serye.Kung handa ang lahat mapa-physical, mental, psychological, o kahit pa emotional, makakapagpakita ng isang magandang laban ang mga koponan na naglalaban at magkakaroon ito ng magandang benepisyo sa lig na kanilang pinaglalaruan, at magbibigay pa ng mas mataas na interes sa fans para sumuporta sa kanilang mga laro.At kung ang mga fans ay kayang ibigay ang lahat para kanilang mga koponan na sinusuportahan, ibibigay din ng mga manlalaro ang kanilang best game upang tapatan ito at makapagbigay ng isang laban na di makakalimutan ng bawat isa. 
13
View More

Cabagnot, pinatunayan ang pagiging “The Crunchman”

Muling ipinamalas ni Alex Cabagnot ang kanyang pagiging “crunchman” sa kanilang makasaysayang 96-95 panalo ng Converge FiberXers laban sa TNT Tropang Giga kung saan unang nagamit ang 4-point shot bilang game-winner noong Martes ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.Sa laban, ang 41-anyos ay naglaro ng 22 minutes at nagtala ng 10 points (walo sa 2nd half) upang tulungang ang FiberXers na makabalik mula sa 16 na puntos na pagkakabaon.Kabilang sa kontribusyon ni Cabagnot ang pagkumpleto isang three-point play kung saan na-foul siya ng kapwa beteranong si Jayson Castro kaya’t naibigay sa Converge ang 92-91 na kalamangan.Sinabi ni Cabagnot na sinusuklian lang nya ang ang tiwala at oportunidad ng binigay sa kanya ng management ng FiberXers matapos siyang papirmahin ng one-year deal mula sa free agency market noong off-season."Sinusuklian ko lang sila," saad ng nine-time champion, na kumolekta din ng five rebounds at dawalang assists, kabilang ang 4-of-9 shooting sa field."I'm just trying to figure out my role with the team. Not just leadership-wise, but more on how I affected not just the intangibles, but also the tangibles,” dagdag pa niya.Sinabi din ni Cabagnot na malaking tulong sa kanyang pag-a-adjust ang presensya ni Converge active consultant Rajko Toroman na nakatrabaho na rin nya noong sila ay nasa Petron pa mahigit isang dekada na ang lumipas.Dahil mabilis lang ang magiging takbo ng Governors’ Cup ngayong 49th season, sinabi ni Alex na mas makakabuti kung makuha niya agad ang role ang kailangan niyang gampanan sa FiberXers."Mabilis lang yung conference, so hopefully I can pick it up faster," pagtatapos ni Crunchman.
14
View More