79th season ng NBA nagsimula na ngayong araw

Rico Lucero
photo courtesy: logos world

Nagsimula na ngayong araw ng Miyerkules ang 2024-2025 Season ng National Basketball Association (NBA).

 Sa pagbubukas nito, ay maglalaban-laban ang apat na koponan kung saan dalawa ang magmumula sa Eastern Conference at ang dalawang koponan ay mula naman sa Western conference. 

Sisimulan ng Celtics na depensahan ang kanilang korona kontra sa New York knicks kung saan kabilang sila sa Eastern conference. 

Target ng Boston Celtics na makuha ang unang back-to-back crowns matapos nila itong magawa noong 1968 at 1969. Plano din ng Celtics na mai-angat ang kanilang NBA record kung saan may pang labing walong championship banner na sila at inaasam na makuha pa ang pang-labing siyam na titulo. 

“You have an opportunity to carry the organization forward, to double down on the tradition and history of what this organization has,” ani Boston coach Joe Mazzulla.

Dahil dito masusubukan naman ng defending champion ang bagong roster ng Knicks na kamakailan ay nakuha ang bigman All-Star na si Karl Anthony Towns.

Samantala, maghaharap naman ang Los Angeles Lakers at Minnesota Timberwolves para sa Western conference. Ang Wolves ang pumasok sa Western Conference Finals noon nakaraang season pero tinalo din ito ng Dallas Mavericks.

Tatagal ang regular season ng NBA hanggang sa April 13, 2025, kung saan ang bawat koponan ay dadaan sa 82 laro sa kabuuan ng season bago ang tuluyang makapasok sa  playoff 2025.

Gaganapin naman ang NBA All Star Weekend sa Pebrero 14 hanggang Pebrero 16, 2025. Mula Pebrero 14 hanggang 19 ay naka-break ang NBA at magbabalik-aksyon sa Pebrero 20.

Habang magsisimula naman ang playoffs sa April 19, 2025 at magpapatuloy hanggang sa unang linggo ng Mayo. At ang NBA Finals naman ay itinakda sa June 5, 2025.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
7
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
6
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more