UST mentor Haydee Ong itinalagang komisyoner ng WMPBL

Rico Lucero
photo courtesy: TOMASINOWEB

Tinanggap na ni Haydee Ong ang bagong tungkulin bilang commissioner ng bagong tatag na Women’s Maharlika Pilipinas Basketball League (WMPBL).

Si Ong ang batikang mentor ng University of Santo Tomas Growling Tigresses ang siyang tumapos sa pamamayagpag ng National University Lady Bulldogs bilang UAAP Women’s Basketball champion, ay makikibahagi sa pagsasaayos ng mga plano para iangat ang women’s basketball sa susunod na lebel. 

Magsisimula ang WMPBL sa Enero 19, 2025, kung saan ang FilOil EcoOil Center sa San Juan ang magsisilbing tahanan nito.

Kabilang sa mga plano ng bagong talagang commissioner para sa unang season ng liga ay ang tampok na walo hanggang sampung koponan na binubuo ng apat na UAAP squads at ang natitirang mga koponan ay magmumula sa LGU-based groups.

“It is because of my passion for women's basketball. I think that's the reason why I accepted it, to give a platform for women's basketball after college,” sabi ni Ong.

Positibo rin si Ong na ang mga babaeng katapat ng MPBL, ay magbubukas ng mga bagong prospect para sa mga babaeng manlalaro sa bansa at magsisilbing springboard patungo sa Gilas Women program.

"Siyempre, the more tournaments or the more leagues like this, the more we can develop for the women's national team. So, that's the bottom line why I accepted the job," ani Ong. 

Inaasahan ng UST head coach na walang kahirapan sa pag-juggling sa kanyang dalawang tungkulin dahil kumpleto na ang suporta niya mula sa kanyang management. Sa kabila ng kanyang bagong assignment, patuloy na magko-concentrate si Ong sa Growling Tigresses, ang defending champion sa UAAP women’s basketball.

"I think it will not be difficult for me because the MPBL actually has a structure in their organization. Everyone is provided there, including table officials. So, my job is really to get the technical ones, the referees to officiate. At the same time, filter out the teams that will participate for this inaugural WMPBL," dagdag pa ni Ong.

Isa ang UST sa mga team na sasabak sa WMPBL, ngunit hindi si Ong ang magco-coach sa Tigresses, sa halip ay ipapaubaya niya ang tungkulin kina Allana Lim at Arsenio Dysangco.

Ang pangunahing prayoridad ngayon ni Ong at ng kanyang Growling Tigresses ay ang mapanatili ang titulo ng UAAP sa Season 87.

Samantala, makakaharap ng UST ang NU Lady Bulldogs sa inaabangang rematch ng Finals noong nakaraang taon na nakatakda sa Nobyembre 6, Miyerkules, sa SM Mall of Asia Arena.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
7
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
6
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more