Boston Celtics nakuha ang panalo kontra New York Knicks sa pagbubukas ng NBA season 79.
Tinambakan agad ng Boston Celtics ang kalaban nitong New York Knicks sa kanilang unang paghaharap sa pagbubukas ng NBA Season 79, 132-109.
Nanguna sa panalo ng Celtics si Jayson Tatum na nakapag-ambag ng 37 points at 10 assists, samantalang si Derrick White naman ay nakagawa ng 24 points habang si Jayden Brown ay may nagawang 23 points.
Lahat ng starters ng Celtics ay nag-double figures sa scoring, at ang buong Boston team naman ay nakagawa ng 50.5% mula sa kanilang mga tira sa field.
Sa simula pa lamang ng kanilang laro kontra Knicks hanggang sa half time break ay hawak nila ang kalamanagan, 74-55. Pagdating sa third quarter ay patuloy na nagpakita ng pagiging agresibo ang Celtics kung saan sunod-sunod itong nagpakawala ng mga tira sa labas ng arko at nagtala ng 8-of-11 sa tres sa third quarter.
Naitala din ng Celtics sa pagbubukas ng NBA season ang all-time record sa pinakamaraming 3-point shot na nagawa ng isang koponan sa isang laro kung saan nakapagbuslo sila ng 29 beyond the arc. Naitabla nila ito sa Milwaukee Bucks na nagawa ang kaparehas na feat noong 2022. Gayunpaman, hindi nakuha ng Celtics ang kanilang panghuling 13 pagtatangka sana na ma-break ang record na may pinakamaraming 3-point mark sa isang laro.
Samantala, sinubukan ng New York na kumawala sa napakalaking kalamangan subalit nabigo ang mga ito. Lumaki ang kalamangan ng Celtics sa 35 puntos, 128-93, sa fourth quarter matapos ang layup ni Jrue Holiday kung saan nakagawa ito ng 18 points 4 na assist at 4 na rebounds. Habang sina Mikal Bridges at Karl-Anthony Towns ay mayroong 16 at 12 points.
Ang Knicks ay nag-shoot ng 43-of-78 (55.1%) mula sa field, kumpara sa 48-of-95 (50.5%) clip ng Celtics. Ngunit ang una ay nagtala ng 11-of-30 mula sa 3-point territory laban sa 29-of-61 nitong huli.
Ikinatuwa naman ni Jayson Tatum ang naging resulta ng kanilang naging laro at panalo, maging ang naging paraan ng kanilang paglalaro at maituturing na espesyal ang araw na ito para sa kanilang koponan.
“I’m really proud of the way we played. Tonight was emotional, this is a celebration of what we accomplished last year. Tonight was special, and to kinda have a reset and go to try and win a basketball game against a really good team on opening night… The way we just came out and responded, I’m proud of us,” ani Tatum.