Olympic pole vaulter EJ Obiena, handa na uli sumabak sa mga torneo
Lubos nang gumaling si Olympic pole vaulter EJ sa kanyang timanong back injury noong nakaraan.
Ayon social media post ni Obiena, nakakuha na rin siya ng medical clearance mula sa kanyang doktor at kinumpirma na magaling na sa kanyang injury.
“Some exciting news I want to share with you all. I’m officially cleared by [Dr. Alessandro Napoli] and have fully recovered from my lower back injury.”
Samantala, target naman ni Obiena na sumabak na sa mga international competition sa susunod na taon.
“I have been MIA here because I have been focusing myself on getting back into shape and be ready by January! Here’s to the start of the 2025 season!!! Hopefully, now that I’ve identified the source of my back problems this year, with the required 4-weeks off to heal, I’m hoping to return pain-free and ready for the 2025 indoor season!”
Matatandaang ang nangyaring injury kay Obiena ang naging dahilan kung kaya hindi ito nakasali sa iba’t-ibang mga torneo sa ibang bansa.
Lubos namang pinasalamatan ni Obiena ang kanyang mga tagasuporta na nanalangin sa para sa kanyang agarang paggaling.
Nitong Agosto ay sinabi ni Obiena na hindi na muna nito itutuloy ang paglalaro sa taong ito matapos mabigo at makakuha lang ng ika-limang pwesto sa Silesia Diamond League.
“Due to the continual spasms, I couldn’t finish my last few attempts. I immediately went to my doctor in Italy, and the MRI revealed what appeared to be a stress fracture in my spine. Unfortunately, a later CAT scan confirmed the diagnosis. I have a fractured L5 vertebra,”
Si EJ ay isa sa mga Olympiad sa katatapos na 2024 Paris Olympics kung saan nagtapos ang kanyang karera sa pole vault sa ikaapat na pwesto.