NEWS AND INTERVIEWS

We offer you to read the latest and most interesting news about football and sports. Stay updated with the latest transfer rumors, match results, and player interviews. Discover the behind-the-scenes stories of your favorite teams and athletes.

Get insights into the tactics and strategies used by top coaches and players. Explore the world of sports through in-depth analysis and expert opinions. Keep up with major sporting events, including the Olympics and World Cups.

From football to tennis, basketball to cricket, we cover a wide range of sports to cater to your interests. Experience the thrill and excitement of the sporting world through our comprehensive news coverage. Stay tuned for all the action-packed moments and unforgettable victories

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Nakatakdang idepensa ni Pedro Taduran ang kanyang hawak na IBF mini flyweight crown laban kay Japanese challenger Ginjiro Shigeoka sa kanilang rematch sa Mayo 24 sa Osaka, Japan.Matatandaang una nang tinalo ni Taduran ang Japanese fighter via ninth-round TKO win noong Hul­yo ng nakaraang taon.Sa darating nilang rematch sa Sabado, inaasahan ni Taduran na hindi makikipagsabayan ng upakan si Shigeoka kundi gagamitin ang kaniyang home advantage kung saan may diskarte umanong gagamitin ang hapon  para makakuha ng puntos mula sa mga hurado.Sinabi naman ni Taduran na susubukan nito ang lahat para ma-knockout ang kaniyang kalaban sa ika-anim na round. “Ang inisip namin kasi lugar nila kaya susubukan kong makuha sa one to six rounds na gagawin ang lahat para lang ma-knockout siya.”ani Taduran. Samantala, ang pagiging Pinoy undisputed mini flyweight champion ang pangarap sa ngayon ni Pedro Taduran sa kanyang professional boxing career, kaya gagawin nito ang lahat para manalo at madepensahan ang kaniyang hawak na IBF crown. Gayunman, mas pinaglaanan ng sapat na panahon ni Taduran ang pagpapalakas sa kanyang kondisyon na naging malaking daan upang mailabas ang lakas at puwersa na ibinato kontra Shigeoka.“May mga binago kami para ‘di mabasa iyung galawan namin para mas ma-pressure siya. Basta gagawin ko lahat para maipanalo ko iyung laban,” paliwanag pa ni Taduran. Si Taduran ay may boxing record ngayon na 17 wins kung saan 13 sa mga ito ay knockout, 4 losses at 1 draw, habang si Shigeoka naman ay mayroong 11 wins at 9 sa mga ito ay knockout 1 loss, at 1 draw. 
Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

Mas pagagandahin pa ng Philippine Sports Commission (PSC) ang grassroots sports development program nito sa pamamagitan ng mas pinahusay na edisyon ng Batang Pinoy 2025 na gaganapin mula Oktubre 25 hanggang 30 sa General Santos City. Layunin nitong mas lalo pang makahikayat ng mga kabataan na lumahok sa sports at tuklasin ang kanilang potensyal sa larangan ng sports. Isinusulong din ng PSC ang mas organisado, mas inclusive, at mas engrandeng paligsahan sa taong ito.Ayon kay PSC chairman Richard Bachman, ang edisyon ng Batang pinoy sa taong ito ay magtatampok ng mga kompetisyon sa 27 sports kabilang ang aquatics-swimming, archery, arnis, athletics, badminton, basketball (3×3), boxing, chess, cycling, dancesport, futsal, gymnastics, jiu jitsu, judo, kickboxing, karate, muay, pencak, soft tennis, tennis, tennis, table takraw weightlifting, wrestling at wushu.Ayon pa kay Bachman, mas maraming sports events at categories at mga modernong kasangkapan at pasilidad ang kanilang inihanda at inaayos na rin nila umano ang mga logistics at accomodations para sa mga atletang lalahok sa Batang Pinoy. Tututukan din umano ng PSC ang mas pinalawak na partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon sa bansa gayundin ang pinakamahalaga dito ay ang values formation discipline at sportsmanship. “Our main objective for this year’s Batang Pinoy is to provide the delegates an excellent experience as if they are already competing in a global level of competition they usually see in televisions and social media,” ani Bachman. Sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan, paaralan, at sports organizations, umaasa ang PSC na ang Batang Pinoy 2025 ay magiging turning point para sa mas matatag na kinabukasan ng Philippine sports.
RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

Dumating na sa Taoyuan Taiwan International Airport ang Masters Pinoy Pilipinas 45UP ng Masters Pinoy Pilipinas Basketball para sumabak sa World Masters Game 2025 na ginaganap ngayon sa Taiwan hanggang Mayo 31. Kasama ang buong coaching staff ng Masters Pinoy Pilipinas Basketball kasama si Coach Arlene Rodriguez at mga Pinoy basketball legends kabilang na sina Roger Yap, Glibert Malabanan, Mong Basco, Paul Reguera, Oliver Agapito Nabung, Arvin Aguila, Edwin Manabat, Ricky Ricafuente, Estong Balleteros, Romel David, Rendel De Rea at Milo Bonifacio. Matatandaang una nang sinabi ni Coach Arlene  na kasama nila sa pagbuo ng Masters Pinoy Pilipinas 45up Basketball ang kanilang team manager na si Architect Rey Punongbayan, at assistant coaches na sina Dann Michael Ceneba at Albert Valbuena noong Oktubre nang nakaraang taon at habang sinisimulan nilang planuhin ang pagbuo sa nasabing basketball team ay sinimulan na rin nila ang pagpapa-ensayo pagpasok ng ikalawang linggo ng Disyembre, hanggang Enero ng kasalukuyang taon.“Yung Masters Pinoy, sinimulan natin noong Oktubre. Pero sinimulan namin ang practice noong second week ng Disyembre, pagkatapos ay nagkaroon kami ng pag-uusap. Then we decided to start it again ngayong January,” sabi ni Coach Rodriguez.Layunin ng pagbuo sa nasabing Basketball team na lumahok sa World Masters Game ngayong taon na nagsimula na noon pang Mayo 17 at matatapos sa mayo 31. Kumpiyansa naman si Coach Rodriguez na sapat ang naging paghahanda nila para sa nasabing torneo at sisikapin nilang makapauwi ng karangalan para sa bansa.
RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Bomogao, makikipagbuno sa ONE Championship sa November 8

15
Read more

Pilipinas humakot ng mga medalya sa 2024 Buccaneer Invitational Swimming Championships

9
Read more

Justin Brownlee, maituturing ngayong haligi ng Gin Kings

10
Read more

Nambatac, impresibo sa unang salang sa PBA finals

10
Read more

3-point record naitabla ng Boston Celtics sa opening night ng NBA Season 79

6
Read more

Lakers nakuha ang unang panalo laban sa Timberwolves sa pagbubukas ng NBA season

14
Read more

Boston Celtics nakuha ang panalo kontra New York Knicks sa pagbubukas ng NBA season 79.

12
Read more

79th season ng NBA nagsimula na ngayong araw

16
Read more

NCAA: JM Bravo, nakalabas na ng ospital pero under observation pa sa loob ng 3 araw

5
Read more

PBA: Stephen Holt, sabik na makakuha ng kanyang unang panalo sa PBA championship

11
Read more

Exclusive: Performance level ng Beermen, inilahad ni SMB team consultant Leo Austria

15
Read more

PBA: Tropang Giga, itotodo na ang laban vs. Rain or Shine

16
Read more

UAAP: Royce Alforque lalaban hanggang dulo para sa FEU

13
Read more

Billiards: Team Asia abot kamay na ang tagumpay sa Reyes Cup 2024

11
Read more

10 medalya nasungkit ng Pilipinas sa 2024 Korea Open Sambo Championships

13
Read more

Pinay Martial artist wagi ng ginto sa 8th Asian Pencak Silat Championship 2024

16
Read more

PBA: SMB naitabla sa 2-2 ang semis vs. Gin Kings

12
Read more

PBA: Tropang Giga hindi nagpatinag sa Game 4 vs. Elasto Painters

11
Read more

Boxing: Super bantamweight title nasungkit ni ‘Quadro Alas’ vs. Saul Sanchez

11
Read more

Mga batang mandirigma sa bansa, humakot ng medalya sa Jiu-jitsu International Federation World Championship

3
Read more

Pilipinas, humakot ng medalya sa Asian Kickboxing Championships

18
Read more

PBA: RoS coach Yeng Guiao, masaya sa nakitang performance ng kanyang mga dating players.

17
Read more

Billiard: Johann Chua sinargo ang kampeonato sa Hanoi Open

17
Read more

SMB aminadong nagkulang sila sa effort at higpit ng depensa kaya natalo sa Gin Kings

11
Read more

TNT, gagayahin ang taktika sa Game 2

6
Read more