Jake Paul wagi laban sa Hall of Famer na si Mike Tyson

Juan Karlo Libunao (JKL)
Photo Courtesy: Netflix

Natapos na ang pinakaabangang laban nina Boxing Hall of Famer "Iron" Mike Tyson at social media icon Jake Paul kung saan tinapos ng huli ang laban sa isang unanimous victory, 80-72, 79-73, 79-73, sa AT&T Stadium sa Dallas, Texas.

Nanaig ang pagkabata ng 27-anyos na si Paul sa laban upang makuha ang ika-11 panalo sa kanyang 12 laban. Samantala, naging 50 wins at 7 losses naman ang record ng 58-year-old na si Tyson.

Ito rin ang unang pagsabak muli ni "Iron Mike" sa lona mula nung 2005.

Sinubukan ni Tyson na ibalik ang kanyang sigla ngunit nasalag ni Paul ang bawat pagbabanta nito at patuloy na dinomina ang laban.

Gamit ang kanyang bilis, sinorpresa ni Paul ang boxing legend at nayanig ito sa 3rd round ng laban at nagpatuloy ito hanggang sa 8th round.

Sa huling yugto ng laban, nagbigay pugay si Paul kay Tyson sa huling 10 segundo.

Pagkatapos ng bakbakan kung saan 78 sa 278 na suntok na pinakawalan ni Paul ang naipasok nito kumpara sa 18 sa 98 ni Tyson. 

Sinabi ng social media sensation na isang karangalan ang makalaban ang kanyang idolo sa lona.

"Mike Tyson, it is such an honor. He is a legend, he is the greatest ever to do it, he is the GOAT, I look up to him. I am inspired by him and I wouldn't be here if it wasn't for him. This man is an icon, and it is such an honor to fight him," saad ni Paul.

Ang dalawang boksingero ay makakuha ng malaking halaga matapos ang kanilang laban. Tinatayang makakatanggap si Paul ng 40 milyong dolyar, habang si Tyson naman ay makakakuha ng tinatayang 20 milyong dolyar.

Matapos din ang laban, may haka-haka ring muling babalik si Tyson sa lona laban naman sa kapatid ni Jake na si Logan Paul.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
7
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
6
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more