Second straight win nasungkit ng Hong Kong Eastern laban sa Converge

CameronClark HaydenBlankley GlenYang MensurBajramovic CheickDiallo HongKongEastern ConvergeFiberXers
Rico Lucero
Photo Courtesy: PBA

Nakamit ng Hong Kong Eastern ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos talunin ang Converge, 117-106, sa pagpapatuloy ng PBA Season 49 Commissioner's Cup nitong Biyernes ng gabi, November 29, sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila. 

Binuhat ni Cameron Clark ang Eastern para talunin ang FiberXers sa pamamagitan ng kanyang 39 points, 15 rebounds at dalawang blocks.

Nag-ambag naman ng 21 points si Hayden Blankley at nagdagdag ng 19 si Glen Yang.

Ang HK Eastern ay mayroon ng dalawang panalo at wala pang talo habang ang Converge ay mayroong isang panalo at isang talo.

Ayon kay Hong Kong Eastern head coach Mensur Bajramovic, patuloy pa rin aniya ang kanilang ginagawang pag-aaral sa sistema at progreso ng kanilang koponan.

“We fought well.  Actually, each game there are mistakes and it’s not possible without mistakes.

"But we tried to minimize the mistakes tonight. We had some problems in our offense in some periods of the game, but that’s what the opponent gave you, they played good defense. 

"At the same time, we had a pretty consistent defense all game. For us, it’s a big win, to be honest," pahayag ni Bajramovic. 

Samantala, sa panig naman ng FiberXers, nanguna si Cheick Diallo na may  43-points, at nine rebounds, habang si Alex Stockton naman ay mayroong 18 markers at si Jordan Heading naman ay nakapag ambag ng 13 puntos. 

 

The scores:

Eastern 117 – Clark 39, Blankley 21, Yang 19, Guinchard 14, Lam 11, Cheung 4, Cao 3, Chan 2, Pok 2, Xu 2.

Converge 106 – Diallo 43, Stockton 18, Heading 13, Winston 12, Arana 10, Racal 5, Nieto 5, Delos Santos 0, Santos 0, Javillonar 0.

Quarters: 21-20; 58-55; 91-83; 117-106.

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more