Training Camp ng Gilas Pilipinas, simula na ngayong araw

Rico Lucero
photo courtesy: SBP

Umarangkada na ngayong araw ang training camp ng Gilas Pilipinas bilang paghahanda para sa FIBA Asia Cup Qualifiers na gaganapin sa Nobyembre 21 at 24 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. 

Isinasagawa ang training Camp ng Gilas Pilipinas sa Ins­pire Sports Academy sa National University Compound sa Brgy. Turbina, Calamba City, Laguna, kung saan mananatili muna pansamantala ang mga manlalaro ng Gilas sa kanilang training camp. 

Dahil naman sa limitadong oras ng kanilang pagsasanay ay hindi na muna nila iasaspubliko ang kanilang ensayo gaya ng kanilang nakagawian dahil na rin sa kulang na sila sa oras na magagamit para sa pag-eensayo.

Sa pagsasanay at Training camp naman ng Gilas sa Laguna, maaaring mag-imbita muna sila ng isang koponan sa PBA para makalaro nila bago ang laban nila sa susunod na linggo.

Samantala, maingat naman ang Gilas Pilipinas pagdating kay Kai Sotto na nasa ilalim ngayon ng concussion protocol na mahigpit na ipinapatupad ng Japan B. League. Ito ay kasunod ng laban ng Koshigaya Alphas kontra sa Nagoya Fighting Eagles. 

Ayon kay Gilas Pilipinas team Manager Richard Del Rosario, nakipag ugnayan na sila sa medical team ni Sotto at buong ingat nilang sinusunod ang concussion protocol ng Japan B. League.

“We’ve been in touch with the medical team of Kai’s team in Japan. He has been put under the concussion protocol of the B.League and we are following that. He is in the process of completing the concussion protocol. From all indications, he will be available come gametime upon completion of those protocols,” ani Del Rosario.

Sinabi pa ni Del Rosario na si Sotto umano ay target din na makapaglaro para sa GIlas sa Nobyembre 21 kontra sa New Zealand. Pero hindi lang si Sotto ang may problemang pangkalusugan kundi maging si AJ Edu ay mayroon ding iniindang injury sa tuhod. 

“Considering everything, if he passes all those steps, by the time that we play with New Zealand, he can play and he can even practice days before that. But of course, the primary consideration is his health. We want to make sure that he is healthy enough to step back on the court because these are young guys. Even with AJ, they are still the future of Philippine basketball. We are not just preparing them for the windows but for future windows as well,”  dagdag ni Del Rosario.

Ang Gilas Pilipinas ay nasa ranked 34 sa ngayon at makakaharap nito ang ranked 22 na New Zealand sa darating na Nobyembre 21 habang sa Nobyembre 24 naman ay makakaharap nila ang ranked 117 na Hong Kong.

Samantala, desidido si Justin Brownlee na makuha ang panalo sa second window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na linggo. 

Ayon kay Brownlee, mayroon na lang sila na ilang araw na nalalabi bago ang laban kontra New Zealand dahil hindi aniya basta-basta ang kanilang makakalaban kaya preparado na sila at handa na para magawa ang kanilang buong makakaya.

“We’ve got a few days before we go to training camp. So just get ready for that and prepare for the team and try to do our best. Definitely, you still have a responsibility to go out there and fight for the country. And we got two tough opponents in New Zealand and Hong Kong,” ani Brownlee.