Quincy Miller, maaring maging import ng San Miguel sa Commissioner's Cup

QuincyMiller PeterMartin SanMiguel SanMiguelBeermen EASL EastAsiaSuperLeague PBA Basketball
Juan Karlo Libunao (JKL)
Photo Courtesy: EASL

Maari muling maglaro si Quincy Miller bilang import sa PBA sa pagbubukas ng Season 49 Commissioner's Cup ngayong buwan.

Isa si Miller sa pinagpipilian ngayon ng San Miguel Beermen upang maging reinforcement nila sa paparating na torneo kung saan sila ang defending champions.

Sa kasalukuyan, naglalaro si Miller para sa SMB bilang isa sa dalawa nilang imports sa East Asia Super League (EASL) Home and Away Season 2.

Ayon kay San Miguel deputy Peter Martin, kinokonsidera nilang gawing import sa Commissioner's Cup ang 31 anyos na si Miller para matulungan silang depensahan ang kanilang korona ngunit hindi pa tiyak kung ito ay matutuloy.

"Maybe, maybe not," saad ni Martin patungkol sa pagkuha kay Miller bilang import sa mid-season conference.

Noong nakaraang Miyerkules, nagpakitang gilas si Miller nang pumukol ito ng 32 puntos at mayroong 3-of-5 shooting mula sa three-point arc.

Malayo ito sa una niyang laro kasama ang Beermen kung saan nagtala lamang siya ng walong puntos sa 2-of-12 shooting noong sila ay matalo sa Suwon KT Sonicboom sa pagbubukas ng regional tournament noong nakaraang buwan

Kaya naman napukaw ni Miller ang atensyon ng San Miguel coaching staff para ikonsidera siyang ibandera sa Commissioner's Cup.

“Compared to the first game, he (Miller) showed up and we found him,” ayon kay Martin.

Dati nang naglaro sa PBA ang Baylor University alumni para sa Converge noong 2022 ng naturang torneo at sa TNT naman noong 2023.

Gayunpaman, hindi pa rin sigurado kung si Miller nga ang kukunin ng Beermen para maging import nila sapagkat tinitingnan pa ng koponan ang kanilang opsyon – isa na rito ay maaring kumuha ang bawat koponan ng kahit gaano katangkad na import ngayong paparating na conference.

“Yung search namin hindi nahihinto. We’re not stopping from looking at others (prospects),” dagdag pa ni Martin.

Iniisip din ng SMB na ibalik si Bennie Boatwright kapag ito ay patuloy ng gumaling mula sa kanyang Achilles surgery.

Si Boatwright ang tumulong sa Beermen na makuha ang korona noong isang taon kung saan nag-average ito ng 30.3 points, 12.0 rebounds, and 3.5 assists sa 13 laro.

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more