Batang Pinoy umarangkada na sa Palawan; discus thrower mula sa Masbate nasungkit ang unang gintong medalya

RichardBachman BatangPinoyPalaro PuertoPrincesaCityPalawan GrassrootsAthletes SoftTennis Kurash ObstacleCourse Jiu-jitsu Breakdancing
Rico Lucero
photo courtesy: Palawan Times

Umabot sa 15,124 na mga atleta, coaches at opisyales buhat sa iba't ibang panig ng bansa ang dumayo sa Puerto Princesa City Palawan, para sa Batang Pinoy Palaro na inorganisa ng Philippine Sports Commission o PSC. 

Ang naturang pambansang palaro ay may 30 iba’t-ibang klase ng sports kabilang na ang sports na soft tennis, kurash, obstacle course, jiu-jitsu, at  breakdancing  na paglalaban- labanan ng mga grassroots athletes sa buong bansa kung saan aabot sa 177 na mga local government units ang dadalo at makikipag-kompetensya para makapag uwi ng mga medalyang ginto at cash prize na aabot sa P5 million piso. 

Nagsimula ang opening ceremony nitong Sabado, November 23 habang November 24 naman pormal nang nagsimula ang mga palaro, na tatagal hanggang November 28. 

Kasama sa mga panauhing dumalo sa opening ceremony noong Sabado ay si PSC chairman, Richard Bachman, kung saan pinasalamatan nito ang mga opisyales mula sa City Government of Puerto Princesa, Palawan sa suportang ibinigay sa PSC sa pagdaraos ng ganitong uri ng sporting event sa kanilang lugar.  

"We would like to thank the Puerto Princesa city government led by Mayor Lucilo Bayron since our partnership with them has been seamless. Who would not want to do this with them again," ani Bachman. 

Samantala, nakuha ng discus thrower na si Courtney Jewel Trangia mula sa Masbate ang unang gintong medalya sa nagpapatuloy na 2024 Batang Pinoy National Championships na ginanap sa Ramon V. Mitra Jr Sport Complex sa Puerto Princesa, Palawan.

Naitala ni Trangia ang 38.30 meters sa girls division kung saan ito na ang pangatlong sunod na kampeonato niya sa discus throw.

Ang 17-anyos na tubong masbate ay unang nanalo ng gold medal sa discus throw sa Philippine Athletics Championships na ginanap sa Pasig City nitong Abril at ito na rin ang huling paglalaro ni Trangia sa Batang Pinoy sa taong ito. 

“Last Batang Pinoy ko na po ito kaya malungkot at masaya po ako na iiwanan ko ang bagong record dito,” ani Trangia. 

Si Trangia na agad umalis ng Palawan para magtungo naman sa Kota Kinabalu, Indonesia at katawanin ang bansa para sa Malaysian Open Athletics 2024. 

 

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
1
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
1
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
3
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollies-JeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
4
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
4
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
4
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
4
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
4
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
9
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
24
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
31
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
25
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
25
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
21
Read more