Sa wakas! Gilas Pilipinas nakamit ang unang panalo kontra NZ
Tinuldukan na ng Gilas Pilipinas ang four-game losing streak kontra New Zealand nang talunin nila ito sa iskor na 93-89, sa Window 2 ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa SM Mall of Asia Arena nitong Huwebes ng gabi, November 21.
Ito ang unang panalo ng Pilipinas kontra Tall Blacks matapos ang kanilang unang paghaharap noong 2016.
Nakapagtala si Justin Brownlee ng double-double na 26 points at 11 rebounds para sa Gilas. Dahil sa panalo, umangat sa 3-0 ang record sa Group B ang Gilas.
Ikinatuwa naman ng longtime Gin Kings import na si Justin Brownlee ang kanilang pagkakapanalo kontra New Zealand. Ito ay dahil nagbunga na ang kanilang mga ginawang pag-eensayo at dahil na rin sa magandang plano na inihanda ni Gilas coach Tim Cone. At alam na rin nila umano sa kanilang sarili na hindi magiging madali ang kanilang laban ngayon.
"I'm just happy for the team and happy for the country. We haven't beaten New Zealand, so it feels great. Coach Tim [Cone] came in with a good game plan for us, so I think we prepared very well. We expected that it's gonna be a hard game for they are one of the top teams in the world. We knew it wasn't gonna be easy,” ani Brownlee.
Humanga din si Brownlee sa ipinakitang performance ni Kai Sotto sa laban. Sinabi rin nitong mahusay nang maglaro si Sotto at maari na rin umano itong sumabak sa NBA. Dahil sa husay ni Sotto, napagaan nito ang laro para sa koponan.
"I've been saying that he's good enough to play in the NBA. It's great playing with him. He does a lot of things very well. He can do everything, and he makes the game a lot easier for everybody."
"He's got the height, size, and skills, so it's great to see a young player like him fulfill his potential. He's got a long way to go, so I'm happy for him and excited to see what the future holds for him," dagdag pa ni Brownlee.
Double-digits rin ang naiambag ni Sotto na nakapagtala ng 19 points at 11 rebounds, habang may 12 points at six assists si Scottie Thompson. Sina Chris Newsome at Dwight Ramos ay kapwa naman mayroong tig-11 puntos.
Sunod namang makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Hong Kong sa Linggo, November 24.
Sakaling manalo ang Gilas sa Hong Kong sa Linggo, ay tiyak na ang pagpasok nila sa Asia Cup na gaganapin naman sa Jeddah Saudi Arabia.
The scores:
Gilas Pilipinas (93) -- Brownlee 26, Sotto 19, Thompson 12, Newsome 11, Ramos 11, Fajardo 6, Perez 3, Oftana 3, Tamayo 2, Aguilar 0.
New Zealand (89) -- Webster 25, Vodanovich 19, Waardenburg 19, Britt 8, Le'afa 6, Brown 5, Harris 3, Cameron 2, Harrison 2.
Quarterscores: 20-22; 45-45; 72-63; 93-89.