Cignal HD Spikers, nasungkit ang ikatlong sunod na panalo vs Choco Mucho

Rico Lucero
photo courtesy: PVL media

Nasungkit ng Cignal HD Spikers ang kanilang ikatlong sunod na panalo, 25-18, 25-18, 20-25, 25-22, laban sa Choco Mucho sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 28, sa Philsports Arena. 

Pinangunahan ni Gel Cayuna ang laro matapos na makapagtala ng 11 puntos na mula sa pitong atake, tatlong block, at isang ace. 

“Malaking bagay ito sa'min, kasi tulad ng sabi niyo na isa sila [Choco Mucho] sa mga matibay na team. And 100% sure na makakatulong sa'min ito sa next games pa namin,” ani Cayuna. 

Dahil sa panalo ay hawak ng HD Spikers ang 3-0 win-loss record.

“Tina-trabaho naman namin sa training talaga 'yun. Si coach Shaq, kilala niya naman ako kung paano ako maglaro. Alam niya rin na kaya akong umatake. Kaya 'yun nga, sa training talaga ginagawa din talaga namin, kaya lumalabas din sa games,” dagdag pa ni Cayuna. 

Para naman kay HD Spiker head coach Shaq Delos Santos, ipinakita lang ng kanyang mga player ang kanilang commitment para masungkit ang panalo ang mahalaga lang aniya ay marunong sumunod sa sistema at nagtatrabaho.  

“Lahat sila, fully committed talaga du'n sa gusto naming ipagawa. To be honest, hindi talaga siya madali kasi siyempre, [nabawasan] 'yung mga tao namin. Pero sinabi ko sa kanila before, kung sino 'yung nandito, magtatrabaho tayo lahat, sumunod sa sistema, magpakondisyon lang mabuti, alagaan yung sarili, and that's it,” ani coach Delos Santos. 

Idinagdag pa ng mentor ng HD Spiker na ang ipinakitang performance ni Gel Cayuna ay hindi na bago sa kanya. Ang ginagawa na lamang aniya nila ay binabalanse niya ang bawat laro dahil si Cayuna aniya ang main setter ng koponan. 

“Bina-balance ko lang din, kasi siyempre every game talaga siya 'yung main setter. So parang timing lang siguro. Pero 'yung iba kasi, nasa galaw na. When it comes to dun sa situation na ganito, alam niya na yung gagawin,” pahayag pa ni Delos Santos. 

Samantala, nanguna ang middle blocker na si Jackie Acuña na may 14 puntos, lima rito ay blocks. Nag-ambag din si Ces Molina ng 11 puntos, habang nagdagdag ng tig-10 sina Vanie Gandler at Riri Meneses. 

Sa susunod na Sabado, December 5, lalabanan ng Cignal HD Spikers ang Nxled Chameleons sa Cebu, habang maghaharap naman ang Choco Mucho sa Martes, Disyembre 3, laban sa Creamline Cool Smashers sa Smart Araneta Coliseum. 

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more