PVL: PLDT inangkin ang ikalawang sunod na panalo vs. Galeries Tower

Rico Lucero
photo courtesy: PVL media

Tuluyang nakuha ng PLDT High Speed Hitters ang kanilang ikalawang sunod na panalo kontra Galeries Tower Highrisers, 27-25, 25-22, 25-23, sa nagpapatuloy na 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence nitong Martes ng gabi, Nobyembre 19, sa Ynares Center sa Antipolo City.

Tinalo ng PLDT ang Galeries sa pamamagitan ng three straight set win kung saan pinangunahan ng Filipino-Canadian spiker na si Savi Davison ang laro matapos makapagtala ng 28 points na sinundan naman ng dating De La Salle Lady Spiker na si Erika Santos na mayroong 14 points. 

Noong nakaraang Linggo, nakapagtala si Davison ng 19 na puntos kung saan naipanalo nila ang laban kontra Nxled. 

“I think in my second game, I was a little bit more comfortable with how I moved around. I felt that I almost regained the trust of my teammates after coming back after missing the last conference. That felt really good, and I just feel better all around. I’m kind of just getting back to the groove of things. I honestly had no idea that I had that many points, but I’m just glad how it all transpired,”  ani Davison. 

Aminado rin ito na bagaman nakabawi na siya ng husto mula sa tinamo nitong injury ay sinabi nitong patuloy ang ginagawa niyang pag-aadjust pagdating sa aspetong mental. 

“Coming back from an injury, I can’t really pretend like it didn’t happen. You got to almost apply the things that you learned while sitting out to coming in back,” Davison explained.

“I think, overall, just my mentality of things is at a good 80 percent. I’m just glad that it’s not up and down and all around and I’m freaking out and all of that stuff, especially with the crowd here in the PVL,” she added.

Bukod kay Davison, nagpakitang gilas din ang mga High Speed Hitters na sina Dell Palomata, na may five points, pareho namang nakapag-ambag sina Fiola Ceballos at rookie setter Angge Alcantara  tig-3 puntos para sa PLDT. 

Bago nakuha ang panalo sa third set ay malaki ang kalamangan ng Galeries, 21-15. Subalit unti-unti itong nahabol ng PLDT sa pamamagitan ng block point na ginawa ni Davison. 

Samantala, kahit na nakuha ang panalo hindi gaanong natuwa si PLDT head coach Rald Ricafort sa naging performance ng kanilang koponan at sa mabagal nilang pagsisimula.

Ayon kay Ricafort, naniniwala siyang dapat matuto ang kanyang koponan kung paano magsimula nang mas malakas, may consistency mula sa simula hanggang katapusan, at iwasan ang mga late-set na tiyak na mas nakakapagod.

Ganito ang nangyari sa laban nila kagabi kung saan natapos nila ang ikatlong set na may 10-2 run dahilan kung kaya hindi na umabot sa fourth set ang Galeries. 

“Hindi dapat umabot sa ganon eh, ‘yung maghahabol pa kami ng malaki kung na-control namin yung start pa lang. Ang reminders ko sa kanila katulad nung sa Nxled, hindi porket nag up na kami ng 2-0 medyo may complacency. Hindi nila sinasadya pero nasosobrahan siguro yung pagkarelax. Yung mga ganung runs, happy kami na nakuha pa rin namin pero kung maiiwasan sana, mas magawan namin ng paraan next time.” ani coach Ricafort. 

Samantala, makakaharap ng PLDT ang Capital1 sa susunod na Martes, Nobyembre 26, sa Philsporst Arena, habang ang Galeries naman ay may pagkakataong makabangon kung mananalo ang mga ito laban  sa Zus Coffee sa Nobyembre 28 sa kaparehong venue.

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
6
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
8
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
7
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
6
Read more

Angeline Colonia wagi ng ginto sa Asian Junior Weightlifting

AngelineColoniaPhilippineWeightliftingWeightlifting
7
Read more

Alas Pilipinas, sasagupa sa Thailand bukas sa SEA V.League Leg 1

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanShainaNituraEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasPhilippineVolleyballPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
4
Read more

Cone, naniniwalang handa ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup

CoachTimConeCalvinOftanaJuneMarFajardoChrisNewsomeGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
4
Read more

PSC Chair Gregorio, dumayo sa China para sa Gilas Pilipinas Women

GilasPilipinasWomenJohnPatrickGregorioAlPanlilioGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
13
Read more

June Mar Fajardo aminadong nahirapan sa depensa ng TNT

JuneMarFajardoJerichoCruzMarcioLasiterLeoAustriaAlfrancisChuaSanMiguelBeermenPBABasketball
5
Read more

Zamboanga Valientes hindi na itinuloy ang pagbili sa Terrafirma Dyip

BobbyRosalesWillieMarcialAtty.OgieNarvasaJunnieNavarroTerrafirmaDyipBasketball
6
Read more

Manny Pacquiao at Mario Barrios, kapwa humiling ng rematch

MannyPacquiaoMarioBarriosBuboyFernandezFreddieRoachPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
5
Read more

Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

LeoOrdialesBryanBagunasMarckEspejoRamonSuzaraAlasPilipinasPhilippineVolleyballPNVFAVCVolleyball
9
Read more

Mario Barrios, magiging maingat pa rin sa laban kontra Pacquiao

MarioBarriosMannyPacquiaoWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationMPPromotionBoxing
10
Read more

Pacquiao, pursigidong manalo kontra Barrios kahit may edad na

MannyPacquiaoMarioBarriosPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationTopRankMPPromotionBoxing
8
Read more