PBA: Hotshots import na si Ratliffe, nagpakitang gilas agad kontra Blackwater

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Nagpakitang gilas agad ang import ng Magnolia na si Ricardo Ratliffe para masungkit ang kanilang unang panalo sa Season 49 ng PBA Commissioner's Cup nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 28, sa Ninoy Aquino Stadium.

Pinangunahan ng 35-anyos na si Ratliffe ang Hotshots kung saan nagtala ito ng 30 points, 18 rebounds, at limang assist para madala sa 118 ang kanilang score kontra Blackwater Bossing. 

Nakapagtapos si Maverick Ahanmisi ng 21 markers habang si Mark Barroca ay nakapagtala ng 15 points at nakapag-ambag naman si Zavier Lucero ng 13 markers.

Samantala, hindi na natapos ni Calvin Abueva ang laro dahil sa tinamo nitong injury sa leeg, matapos tamaan ng siko ni Sedrick Barefield sa second quarter. 

Aminado si Hotshots coach Chito Victolero na malaking kawalan si Abueva sa kanila subalit kailangan nilang panatilihin ang momerntum ng laro para hindi masayang ang kanilang mga pagpapagal. 

“We used that para yung energy namin lalong tumaas. Sabi ko lang sa kanila, let’s play for Calvin. And I think nag-respond naman yung mga boys,” ani coach Victolero. 

Sa Linggo, December 1, haharapin ng Hotshots ang FiberXers kung saan inaasahan ni coach Victolero na makakapag-larong muli si Abueva.

“Hopefully, madi-discharge na siya. Parang whiplash lang, so medyo nag-tight lang siya. But he’s OK. Hopefully, by our next game on Sunday, makalaro na rin si Calvin. He’s also a big factor for us,”  dagdag pa ni Victolero. 

Samantala, tulad ng inaasahan, hindi binigo ni George King ang Blackwater kahit hindi sila nanalo kontra Hotshots kung saan nagpaputok ito ng 42 puntos para pangunahan ang Blackwater.

Ang mga Iskor:

MAGNOLIA 118 - Ratliffe 30, Ahanmisi 21, Barroca 15, Lucero 13, Lastimosa 9, Lee 9, Dela Rosa 8, Dionisio 6, Sangalang 3, Abueva 2, Balanza 2, Laput 0, Eriobu 0, Mendoza 0

BLACKWATER 100 - King 42, Barefield 24, David 8, Chua 6, Tungcab 4, Kwekuteye 3, Ponferrada 3, Hill 3, Guinto 2, Corteza 2, Montalbo 2, Suerte 1, Ilagan 0, Escoto 0, Jopia 0

QUARTERS: 29-27, 50-41, 82-69, 118-100

AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

RancelVargaJamesBuytragoKatEpaHoneyGraceCorderoAlasPilipinasBeachVolleyball
11
Read more

Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

AlyssaValdezCreamlineCoolSmashersVolleyball
12
Read more

Jerusalem, napanatili ang WBC title kontra kay Shigeoka

MelvinJerusalemSanManBoxing
7
Read more

Tropang Giga, buhay pa ang tsansa para sa matinding Game 7

ReyNambatacCalvinOftanaPoyErramChotReyesRondaeHollis-JeffersonTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
9
Read more

Melvin Jerusalem, target ang KO victory kontra Shigeoka ng Japan

MelvinJerusalemYudaiShigeokaPhilippinesBoxing
7
Read more

Kenneth Llover, nasikwat ang OPBF Bantamweight title vs. Kurihara

KennethLloverPhilippineBoxingBoxing
8
Read more

TNT Tropang Giga nadiskaril sa Game 5 kontra Barangay Ginebra

CalvinOftanaPoyErramJustinBrownleeChotReyesTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
10
Read more

Game 3 win nasungkit ng Tropang Giga laban sa Barangay Ginebra

ReyNambatacGlennKhobuntinCalvinOftanaRRPogoyTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketballPBA
9
Read more

16th Asian Lawn Bowls Championships, gaganapin sa bansa sa Abril

RonalynRedimaGreenleesRodelLabayoRositaBradbornPhilippineLawnBowlsLawnBowl
8
Read more

Martin, sasabak sa non-title super bantamweight sa Linggo

CarlJammesMartinPhilippineBoxing
11
Read more

Grassroots program nais palakasin ng Philippine Aquatics Inc.

EricBuhainKylaSanchezPhilippineAquaticsPhilippineSportsCommissionPSCSwimming
10
Read more

Pinoy basketball referee, kabilang sa elite level ng FIBA

GlennCornelioFIBAAsiaCupEastAsiaSuperLeagueBasketball
8
Read more

Joseph Javiniar wagi sa Road Cycling Elite Criterium event

JosephJaviniarRoadCyclingEliteCriteriumCycling
28
Read more

Gilas Pilipnas tututukan naman ang pagsali sa FIBA Asia Cup

JustinBrownleeJapethAguilarMasonAmosAJEduCalvinOftanaGilasPilipinasFIBAAsiaCupBasketball
19
Read more