Bernardo, Morado nasungkit ang gintong medalya sa badminton men’s doubles

Keanna Wren
photo courtesy: Smash Pilipinas

Nasungkit nina Christian Bernardo at Alvin Morada ang gintong medalya sa badminton men’s doubles competition sa Bahrain International Series 2 sa Diamond Jubilee Hall sa Manama, Bahrain.

Tinalo ng Smash Pilipinas - Philippine badminton duo sina Vimalraj Annadurai at Mauryan Kathiravan ng India, 21-14, 21-15, sa finals.

Bago sila nakatuntong sa final round ay nakipagkumpitensya muna sina Bernardo at Morada laban sa mga kalahok ng India, Sri Lanka, at Syria.

Ito ang kanilang ikalawang sunod na podium finish sa Bahrain matapos matalo sa kapwa Pinoy na sina Solomon Padiz at July Villabrille sa International Series 1 noong nakaraang linggo.