Kai Sotto, may potensyal na maglaro sa NBA – Brownlee

Rico Lucero
Photo courtesy: Philstar

Kung si Justin Brownlee ang tatanungin, may kapasidad at potensyal si Kai Sotto na maglaro para sa National Basketball Association o NBA. 

Ito ang sinabi ni Brownlee matapos ang matagumpay na laban Gilas Pilipinas kontra New Zealand at Hong Kong nitong nakaraang Huwebes at Linggo ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. 

Ayon kay three-time PBA best import, ang ipinakitang performance level ni Sotto nitong nakalipas nilang mga laro ay patunay lang na may kakayahan na itong makipagsabayan sa uri at klase ng laro sa NBA. 

Bukod pa riyan, malaking bentahe din ni Kai ang pagkakaroon ng 7-foot-3 na height, at bukod dito ay mayroon itong malakas na pangangatawan at skills ng isang NBA player.

“Man, I've been saying, I feel like he's good enough to play in the NBA. Yeah, in my honest opinion. Of course, he's got the height, he's got the size and the skill. But he's been through so much,” sabi ni Brownlee.

Sinabi pa ni ng six-time champion na malaki ang potensyal ni Kai Sotto na mapabilang sa NBA dahil sa mga katangian na nakita niya rito mula nang makalaro niya ito kamakailan at malayo ang mararating ni Kai kung sakaling makapaglaro ito sa NBA.

Masaya din si Brownlee na makita ang kaniyang  teammate na umuunlad ang  kakayahan sa larangan ng basketball. 

“For me, it's just great to see, you know, a young player like him with so much potential and just to see him start fulfilling his potential. He's got a long way to go. You know, he's only in his early 20s. So, I'm happy for his progression and I'm excited to see what the future holds for him,” dagdag pa ni Brownlee.

Matatandaang si Sotto ay nakapagtala ng 12 points, 15 rebounds, 2 blocks at 2 assists sa nakaraang laban ng Gilas Pilipinas kontra Hong Kong, habang noong nakaraang Huwebes naman sa kanilang laban kontra New Zealand ay nakapagtala si Sotto  ng 19 points, 10 rebounds at 7 assists. 

Nakuha na ang 4-0 na bentahe sa Group B matapos ang Window 2 ng FIBA Asia Cup Qualifiers. 

Dahil sa sa panalo ng Gilas Pilipinas kontra New Zealand at Hong Kong, qualified na ito para FIBA Asia Cup na isasagawa sa Jeddah Saudi Arabia sa Agosto sa susunod na taon. 

Samantala, sunod na makakalaban ng Gilas sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers ang Chinese Taipei sa Pebrero 20 at muling makakaharap ng Gilas ang New Zealand sa Pebrero 23.