Gin Kings may bago ng sandata sa Commissioner's Cup

TroyRosario JamieMalonzo IsaacGo GilasPilipinas BarangayGinebraSanMiguel GinKings BlackwaterBossing PBA Basketball
Rico Lucero
photo courtesy: PBA

May bago ng sandatang ihaharap ang Barangay Ginebra San Miguel sa pagbubukas ng PBA Commissioner's Cup sa Miyerkules, November 27. Ito ay matapos na opisyal nang naging miyembro ng Gin Kings si Troy Rosario. 

Ito ang kinumpirma mismo ni Rosario matapos ang ilang panahong pagiging free agent at nagpasya na itong pumirma ng kontrata sa Gin Kings. 

"Dreams Do Come True. Thank you Boss Alfrancis Chua," ani Rosario sa kanyang facebook post kasabay ng araw kung saan inilabas naman ng PBA ang opisyal roster list para sa Commissioners Cup na magsisimula na sa November 27 sa Philsports Arena. 

Huling naglaro si Rosario para sa Blackwater Bossing, at niligawan din siya ng Converge at ng TNT subalit mas matimbang sa kanya ang Ginebra.

Si Rosario ay magsusuot na ng jersey No.1 para sa Ginebra.

Matatandaang sa katatapos na Governors' Cup, ang 6-foot-7 forward at dating Gilas Pilipinas big man ay nagposte ng 13.5 points, 6.0 rebounds, at 1.4 assists sa 10 laro nito para sa Blackwater.

Samantala, posible namang mag-debut si Rosario sa Gin Kings sa Disyembre 11, Miyerkules, 7:30 ng gabi, sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila kung saan makakasagupa ng Ginebra ang NLEX Road Warriors.

Pupunan ni Rosario ang mga pwesto ng mga injured Gin Kings players na sina Jamie Malonzo at Isaac Go.

AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

RancelVargaJamesBuytragoKatEpaHoneyGraceCorderoAlas PilipinasBeach Volleyball
4
Read more

Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

AlyssaValdezCreamlineCoolSmashersVolleyball
12
Read more

Jerusalem, napanatili ang WBC title kontra kay Shigeoka

MelvinJerusalemSanManBoxing
7
Read more

Tropang Giga, buhay pa ang tsansa para sa matinding Game 7

ReyNambatacCalvinOftanaPoyErramChotReyesRondaeHollis-JeffersonTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
9
Read more

Melvin Jerusalem, target ang KO victory kontra Shigeoka ng Japan

MelvinJerusalemYudaiShigeokaPhilippinesBoxing
7
Read more

Kenneth Llover, nasikwat ang OPBF Bantamweight title vs. Kurihara

KennethLloverPhilippineBoxingBoxing
8
Read more

TNT Tropang Giga nadiskaril sa Game 5 kontra Barangay Ginebra

CalvinOftanaPoyErramJustinBrownleeChotReyesTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
10
Read more

Game 3 win nasungkit ng Tropang Giga laban sa Barangay Ginebra

ReyNambatacGlennKhobuntinCalvinOftanaRRPogoyTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketballPBA
9
Read more

16th Asian Lawn Bowls Championships, gaganapin sa bansa sa Abril

RonalynRedimaGreenleesRodelLabayoRositaBradbornPhilippineLawnBowlsLawnBowl
8
Read more

Martin, sasabak sa non-title super bantamweight sa Linggo

CarlJammesMartinPhilippineBoxing
11
Read more

Grassroots program nais palakasin ng Philippine Aquatics Inc.

EricBuhainKylaSanchezPhilippineAquaticsPhilippineSportsCommissionPSCSwimming
9
Read more

Pinoy basketball referee, kabilang sa elite level ng FIBA

GlennCornelioFIBAAsiaCupEastAsiaSuperLeagueBasketball
8
Read more

Joseph Javiniar wagi sa Road Cycling Elite Criterium event

JosephJaviniarRoadCyclingEliteCriteriumCycling
28
Read more

Gilas Pilipnas tututukan naman ang pagsali sa FIBA Asia Cup

JustinBrownleeJapethAguilarMasonAmosAJEduCalvinOftanaGilasPilipinasFIBAAsiaCupBasketball
19
Read more