Gilas Pilipinas tinambakan ang Hong Kong
Tagumpay ang Gilas Pilipinas na makuha ang kanilang pangalawang panalo kontra Hong Kong sa 2nd window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena nitong Linggo ng gabi, 93-54.
Mula first hanggang fourth quarter ay nadomina ng Gilas ang laban at hindi na pinayagang makahabol pa ang team Hong Kong.
Ayon kay Gilas head coach Tim Cone, ang pagkakapanalo nila ng dalawang beses sa FIBA qualifiers ang magpapatunay sa kanilang koponan para lalo pa nila mapaghusay ang kanilang samahan at mapagbuti pa lalo ang kanilang paglalaro sa mga susunod pang laban.
"We don't have a chance to get together very often, so every window and game is a chance for us to keep growing and developing,"
"We won't take anything for granted when we play Hong Kong," ayon sa Gilas mentor. "Our approach won't change whether playing a team ranked above us or below us," ani coach Cone.
Sinamantala din ng tinaguriang 'twin tower' na sina Kai Sotto at June Mar Fajardo ang kanilang height para mapalayo ng husto ang kalamangan ng Gilas.
Ito na ang huling laro ng Gilas Pilipinas sa bansa para sa Window 2 at makuha ang 4-0 na bentahe sa Group B.
Dahil naman sa panalo ay tiyak na ang Gilas para sa slot sa FIBA Asia Cup sa Saudi Arabia sa buwan ng Agosto sa susunod na taon.
Samantala, nanguna naman sa panalo ng Gilas si Carl Tamayo na nagtala ng 16 points at limang rebounds habang mayroong 13 points, tatlong rebounds at tatlong assists naman si Justin Brownlee at mayroong 12 points, 15 rebounds at dalawang blocks si Kai Sotto.
The scores:
Philippines 93 – Tamayo 16, Fajardo 14, Brownlee 13, Sotto 12, Perez 10, Newsome 9, Thompson 8, Quiambao 8, Amos 3, Oftana 0, Aguilar 0.
Hong Kong 54 – Shui 11, Xu 10, Yang 9, Tsai 8, Reid 6, Yip 4, Pok 3, Leung 3, Yeung 0, Hon 0, Ng 0, Tang 0.
Quarters: 25-16; 45-35; 67-43; 93-54.