Kai Sotto, pinayagan nang makapaglaro sa FIBA ​​Asia Cup qualifiers

KaiSotto RichardDelRosario GilasPilipinas FIBAAsiaCup
Rico Lucero
Photo courtesy: Philstar

May clearance na si Kai Sotto para makapaglaro sa Gilas Pilipinas sa darating na window ng FIBA ​​Asia Cup qualifiers sa November 21 at 24 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. 

Ito ang kinumpirma mismo ni Gilas Pilipinas team manager Richard Del Rosario. Aniya, sa wakas ay cleared na si Sotto sa concussion protocol na mandatory requirement sa kanya ng Japan B. League.

Gayunpaman, sinabi ni Del Rosario na hindi pa nila tiyak na makakapaglaro si AJ Edu hangga’t patuloy itong sumasailalim sa strength training and treatment sa kanyang kanang tuhod matapos ang injury nito kamakailan sa 71-68 pagkatalo ng Nagasaki Velca sa Akita Northern Happinets.

“There is a chance that he will play versus New Zealand. Kai is good to go, but AJ is still undergoing strength training and treatment,” sabi ni Del Rosario.

Ang muling pagkakasama ni Sotto sa Gilas ay itinuturing na malaking bagay para sa koponan dahil makakatuwang nito ang 8th-time PBA MVP na si June Mar Fajardo. Malaking bagay na mayroon na ngayong twin towers ang Pilipinas dahil hindi birong kalaban ang New Zealand na nagtataglay ng malaking lineup kabilang na rin ang Hong Kong.

Kaya naman kumpiyansa si coach Tim Cone kahit na medyo nababalisa ito dahil malaking tulong sa kanila kung makapaglalaro si Sotto kasama si Fajardo para sa Gilas Pilipinas. 

Para naman kay Sotto, umaasa ito na mas gaganda pa ang chemistry ng team nila dahil mula umpisa ay sila sila na umano ang magkakasama. Pakiramdam din nito na ang samahan nila ay  mas maganda na sa ngayon dahil lalo pa’t mga bigating teams ang nakakalaban nila.

“I think the team chemistry will be even better because from the start we were together. Even though we've only played less than 10 games together with the group, I feel like our team is better because the values ​​in the games we've played recently, especially the OQT, are heavy.” ani Sotto. 

Ayon pa kay Sotto, binibigyang-diin umano ni coach Tim ang kanilang mga touches sa sahig, lalo na aniya kina June Mar [Fajardo], Japeth [Aguilar], at Justin [Brownlee].

Binibigyan din umano ni Cone ng importansya ang mga big man sa kanilang koponan kabilang na din aniya siya para mabigyan ng pagkakataon na maipakita ang kanilang mga natatanging kakayahan lalo na pagdating sa opensa.
"So as a big man, coach Tim emphasizes our touches, especially with June Mar [Fajardo], Japeth [Aguilar], JB [Brownlee] playing the 4, and me. The big men are really given importance here. Most of the systems these days are just pick-and-roll, drop pass, and pick-and-pop or something simpler. But in the triangle, I have a chance to show my skill set and what I can do offensively," sabi pa ni Sotto. 

Naniniwala rin si Sotto na ang henerasyong ito ng Gilas ay mas lalong nakahanda, dahil sa pinabuting chemistry ng koponan, kasama na ang kanilang mga shared experiences, at structured system na binuo sa ilalim ng pangunguna ni Gilas head coach Tim Cone.

"It's not like before when we were like underdogs, now our team's standards are different and what our ceiling is. We just have to be accountable to ourselves. For our four-year program that coach Tim has prepared, I hope it's only going to be better through time. Win [or] lose, I hope the outcome [of our games] is better - each day in practice or in the game - I hope we can see how we improve as individuals and as a team as well," dagdag pa ni Sotto. 

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more