NEWS AND INTERVIEWS

We offer you to read the latest and most interesting news about football and sports. Stay updated with the latest transfer rumors, match results, and player interviews. Discover the behind-the-scenes stories of your favorite teams and athletes.

Get insights into the tactics and strategies used by top coaches and players. Explore the world of sports through in-depth analysis and expert opinions. Keep up with major sporting events, including the Olympics and World Cups.

From football to tennis, basketball to cricket, we cover a wide range of sports to cater to your interests. Experience the thrill and excitement of the sporting world through our comprehensive news coverage. Stay tuned for all the action-packed moments and unforgettable victories

AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

Umarangkada na kahapon, April 2, 2025 ang 2nd Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour sa Nuvali Beach Sand, Sta. Rosa City, Laguna. Nilahukan ito ng nasa walong bansa sa Asya kabilang na ang Pilipinas. Sa unang araw ng laban, naitala agad ng Alas Pilipinas Team ang kanilang unang panalo under womens division sa pamamagitan nina Khylem Progella at Sofia Pagara laban kina Ee Ling Pua at Rachael Go ng Malaysia, 21-8, 21-18. Hindi rin nagpahuli sina Rancel Varga at James Buytrago na nanalo naman kina Uzbekistan players na sina Mustafoev Golibjon at Nodirjon Alekseev, 21-13, 21-6, sa men’s division.Sa kabila ng mga buwena manong panalo ng Pilipinas sa AVC ay hindi naman pinalad ang iba pang mga Pinoy volleyball players ng bansa na manalo sa kani-kanilang laban. Gaya na lamang nina UAAP champion Kat Epa at Honey Grace Cordero na kinapos laban kina Olympians Saki Maruyama at Miki Ishii ng Japan, 12-21, 21-19, 9-15.Gayundin sina Lerry John Francisco at Edwin Tolentino laban naman kina Asian Senior Beach Volleyball Champions D’Artagnan Potts at Jack Pearse ng Australia, 17-21, 18-21.Maging sina Ronniel Rosales at Alexander Jhon Iraya ay bigo din na makuha ang panalo laban kina Paul Burnett at Luke Ryan ng Australia, 21-13, 21-18. Ang sikreto ng ibang foreign players Sa mga nakausap naming mga international coach at foreign players sa ganitong sports, isa sa mga factors na isinasaalang alang nila kaya matatag ang stamina at resistensya ng kanilang mga players ay ang wastong pag-eensayo at tamang nutrisyon na kailangan ng mga manlalaro. Isinasaalang-alang nila ito dahil sa uri at klase ng ganitong sports lalo na at isinasagawa ito sa gitna ng init ng araw. Iba kasi ang klima ng indoor sa outdoor games kung saan mas higit na kailangang naka-kondisyon ang katawan ng mga manlalaro na expose sa ilalim ng init at araw.Kailangan ding fully hydrated ang mga manlalaro kung sila man ay maglalaro sa gitna ng araw at dapat na malakas ang resistensya ng mga ito para may kakayahan na maipanalo ang laban.Mahalagang i-prayoridad ng coaching staff ang pagbibigay sa mga manlalaro ng tamang diet at nutrisyon sa kanila para makuha ang karapat dapat na kondisyon ng katawan na handa sa anumang laban sa pampalakasan. Kung ganito rin ang mindset na isaalang-alang ng mga nasa larangan ng sports para sa anumang laban ng bansang Pilipinas, ay tiyak na magkakaroon ito ng tsansa na makuha ang panalo at kampeonato.
RancelVargaJamesBuytragoKatEpaHoneyGraceCorderoAlasPilipinasBeachVolleyball
10
Read more

Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

Determinado si Alyssa Valdez at ang 10-time champion Creamline Cool Smashers na makabawi matapos malasap ang kanilang unang talo sa semifinal round ng Premier Volleyball League All-Filipino Conference nitong Sabado, March 29, 2025, sa Ynares Center, Antipolo City, kontra Petro Gazz Angels, 23-25, 22-25, 25-21, 16-25.Sa Martes, target ng Creamline na makuha ang panalo at resbakan ang Akari Chargers.Ayon kay Valdez, team captain ng Creamline, kailangan umano nilang kalimutan ang lahat sa natamong pagkatalo noong Sabado at ituon ang pansin sa susunod na laban.“We’ll prepare and let’s see on Tuesday. It was a tough loss, but I guess it’s not the ideal way to start the semifinals series. The coaches reminded us that it happened already, and we have to let it go because our next games are just as important,” ani Valdez.Sa kanilang laban kontra Petro Gazz, nakapagtala si Valdez ng 10 points, 10 digs, at 10 receptions. Mas kaunti rin ang errors ng Creamline kumpara sa Petro Gazz (19-24).Lumamang nang husto ang Angels sa blocking, kung saan hawak nito ang 13 blocks kumpara sa tatlong nagawa ng Cool Smashers.Naungusan din ng Petro Gazz ang Creamline sa attacks, na may 59 kontra 53 na bentahe.Sa kabila ng pagkatalo, tiwala si Valdez na kailangang gumawa ng paraan ang Creamline upang mapanatiling buhay ang kanilang kampanya sa conference na ito.“It’s not the start we wanted, but the challenge is very big—and accepted. We put ourselves in this situation, so we have to find a way if we really want to keep our season alive,” dagdag ni Valdez.
AlyssaValdezCreamlineCoolSmashersVolleyball
12
Read more

Jerusalem, napanatili ang WBC title kontra kay Shigeoka

Napaluhod sa tuwa si Filipino boxing champion Melvin Jerusalem matapos mapanatili nito ang kaniyang World Boxing Council minimumweight title laban kay Yudai Shigeoka sa pamamagitan ng unanimous decision sa kanilang rematch noong Linggo, Marso 30, sa Aichi Sky Expo sa Nagoya, Japan.Una nang nanalo si Jerusalem ng titulo noong nakaraang taon laban kay Shigeoka sa Japan sa pamamagitan ng split decision.Ngunit sa pagkakataong ito, mas nangingibabaw ang Pinoy boxer, kung saan ang tatlong hurado sa laban ay pumabor sa kanya sa pamamagitan ng mga iskor na 118-110, 119-109 at 116-112.Ito na ang pangalawang beses na nagkaharap ang dalawang boksingero kung saan parehas na tinalo ng 31-anyos na si Jerusalem ang kalabang Hapones.At tulad ng kanilang unang laban, muling nagpaulan ng suntok at kumbinasyon si Jerusalem, na nagresulta sa pagbagsak ng kanyang kalaban sa ikatlong round.Patuloy niyang pinananatili ang pressure sa kalaban, na muling bumagsak sa ika-anim na round. Hanggang sa huling round, hindi bumagal si Jerusalem, habang si Shigeoka naman ay nagpupumilit makapagpatama ng kanyang mga suntok.Hindi tulad ng unang laban, walang knockdowns sa pagkakataong ito ngunit ang dominasyon ay ipinakita pa rin ng 31-anyos na kampeon.Dahil sa panalo, mayroon na itong 24 na panalo, kung saan 12 sa mga panalo nito ay knockout at tatlong talo, habang si Shigeoka naman ay mayroong siyam na panalo kung saan lima sa mga ito ay knockout at 2 talo. Samantala, maaaring ang susunod na laban naman ni Jerusalem ay ang rematch nito kay Oscar Collazo ng Puerto Rico kung saan sa ikapitong round ay nabigo ang Pinoy boxer ng umakyat ito ng timbang sa 105 pound class.Matatandaang isa rin sa mga tinalo ni Jerusalem ay ang  Mexican challenger na si Luis Castillo noong nakaraang Setyembre sa Mandaluyong.
MelvinJerusalemSanManBoxing
7
Read more

Pagiging PBA journeyman hindi na ‘big deal’ kay Tratter

9
Read more

EJ Obiena, nakuha ang 3rd place sa Leg of the Diamond League

5
Read more

PBA: Converge nagpakitang gilas agad vs. Terrafirma

4
Read more

Terrafirma Dyip, dismayado sa pagkatalo vs. Converge

4
Read more

Hospital bills ni Catantan, sinagot na ng St. Lukes

9
Read more

MPBL: Nueva Ecija hindi nakaporma sa Biñan

5
Read more

EJ Obiena sasabak sa Wanda Diamond League Lausanne

4
Read more

Alex Eala abanse na sa Round 2 ng US Open Qualifier

3
Read more

6th Asian Indoor and Martial Art Games sa Thailand, kanselado na

3
Read more

Gilas Pilipinas Womens muling nabigo vs. Hungary

7
Read more

TNT nakuha ang panalo vs. Northport Batang Pier

6
Read more

Unang panalo nakuha ng RoS vs. Blackwater

6
Read more

Olympian Rogen Ladon, nagretiro na; magiging boxing coach na sa ABAP

6
Read more

Aira Villegas, tuloy ang laban para sa pangarap na Olympic gold

3
Read more

MPBL: San Juan Knights panalo vs. Manila Star

4
Read more

Gilas Pilipinas Women, nakalasap ng pagkatalo vs. Brazil

6
Read more

MPBL: Pangasinan Heatwaves wagi vs. Zamboanga Master Sardines

11
Read more

Pacquiao vs. Barrios fight isinasaayos na

5
Read more

Alas Pilipinas Men nagpapakitang gilas na

3
Read more

Mga bagong sporting event asahan na sa 2028 LA Olympics.

6
Read more

Gilas Pilipinas Women sasabak na sa Pre-Qualifying Tournament

7
Read more

La Salle, nasungkit ang kauna-unahang VALORANT title sa UAAP

6
Read more

Riezel Buenaventura nakuha ang silver medal sa 2024 World Masters

5
Read more

Du Plessis nadepensahan ang kaniyang UFC middleweight world title

6
Read more

Falcons at Lady Bulldogs may mga bago nang coaches.

5
Read more