Pilipinas magiging host ng eFIBA Season 3 World Finals

Rico Lucero
photo courtesy: FIBA

Napili ng FIBA ang Pilipinas, para maging host ng  eFIBA Season 3 World Finals na magaganap sa December 11 at 12 sa SMX Clark Convention Center sa Pampanga. 

Ayon kay Samahang  Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, kinsasabikan na ng bansa na makapag-host muli ng ganitong event. Marami na rin aniyang mga multi-sports event ang isinagawa sa Clark kabilang na ang Southeast Asian Games noong 2019. 

“Clark has hosted multi-sport events before, including the Southeast Asian Games in 2019. We are thrilled to bring the eFIBA World Finals here, offering world-class amenities and Filipino hospitality.” ani Panlilio

Sinabi naman ni FIBA Secretary General Andreas Zagklis, napili nila ang bansa dahil sa kinikilala ng FIBA ang Pilipinas ang hilig ng mga Pinoy sa larong Basketball. 

"It's an exciting prospect to be having this season's eFIBA World Finals in the Philippines since we all know the passion the country has for our sport. Hosting the eFIBA World Finals here is a fitting choice, and we look forward to an exciting event.” ani Zagklis. 

Ang mga bansang maglalaro ay kabilang sa  regional champions ng Asia, gaya ng Africa, Europe, Middle East, North at South America at Oceania at ang runner up mula Europe.

Samantala, gagamit naman ang mga manlalaro ng PlayStation 5 na mayroong bagong NBA2K25 features, habang walong koponan naman ang maglalaban sa bawat isa sa dalawang grupo at ang magwawagi sa bawat pool ay papasok na sa semifinals.