Boxing: Carl Jammes Martin wagi vs. Mexican fighter via TKO

Jet Hilario
photo courtesy: Carl Jammes Martin/FB

Madaling tinalo ni world-rated super bantamweight Carl Jammes “Wonder Boy”  Martin ang Mexican boxer na si Anthony Salas sa pangalawang round ng kanilang laban sa Culiacan, Sinaloa, Mexico nitong Sabado. 

Para kay Martin, naging mabisa ang ginawa nitong mga pagsasanay sa Amerika dhil madili nitong napabagsak si Salas sa lona. 

“I feel this is the right time to fight and prove myself abroad. This is the time to show that I am ready after being trained at the Knuckleheads Boxing Ranch training compound in Las Vegas, Nevada, This is what I needed as I look forward to fighting for a world title in 2025.” ani Martin

Napilitan na ang referee na itigil ang laban matapos makita si Salas na nakorner na ni Martin at inulan na ng mga solidong suntok sa ulo at katawan, hindi pumayag si Martin na magkaroon ng pagkakataon si Salas na makaganti ng suntok kung kaya lalo pa itong nag-init at nagpakawala ng left hook sa katawan. 

Dahil sa panalo kontra kay Salas, hawak na ni Martin ngayon ang 24-0 win-loss record kung saan 19 sa mga ito ay winner by knockout, at ito ang kauna-unahang laban ni Martin sa ibayong dagat. 

Sa ngayon, No. 3 si Martin sa WBO ranking at kasama na ang pangalan ni Martin sa listahan ng mga posibleng maklaban ni Japanese Champion na si Naoya Inoue. No, 6 din si Martin sa ranking ng International Boxing Federation. 

Noong nakaraang taon lumaban si Martin kontra kay Thailand boxer Chaiwat Buatkrathok kung saan nanalo si Martin via TKO din para sa WBO Global super bantamweight title sa Parañaque City.