6 na Para-athletes ng bansa balik Pinas na

Rico Lucero
photo courtesy: PSA

Balik-bansa na ngayong Miyerkules ang anim na Filipino Paralympian matapos ang kanilang kampanya sa 17th Paralympic Games sa Paris France.  

Lahat ng anim na atleta na kinabibilangan nina para swimmers Ernie Gawilan at Angel Otom, wheelchair racer Jerrold Mangliwan, para archer Agustina Bantiloc, para taekwondo jin Allain Ganapin at sitting javelin thrower Cendy Asusano ay dumating kasama ang mga opisyal ng Paralympic Committee chief Michael Barredo.

Ayon sa Philippine Sports Commission, ipinagmamalaki nila ang naging kontribusyon ng anim na atleta sa katatapos na 17th Paralympic Games sa Paris. 

“Our Paralympians are now back in the country after their memorable stint in the 17th Paralympic Games held in Paris, France. Agustina, Allain, Jerrold, Ernie, Angel, at Cendy, ipinagmamalaki namin kayo!”  sabi ng PSC sa kanilang facebook page

Samantala, ngayong nasa bansa na ang anim na paralympic athletes, nangako naman ang Malacañang na bibigyan ang mga ito ng welcome hero’s sa kanilang pagbabalik, kung kaya’t magsasagawa ng courtesy call ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kanila bukas ng hapon, araw ng Huwebes.

Layunin ng courtesy call ng Pangulong Marcos Jr. na ipakita sa sambayanang Pilipino ang buong suporta ng pamahalaan sa mga manlalarong Pinoy. 

Bigo man makapag-uwi ng medalya ang ang mga para athlete, ginawa pa rin ng mga atleta ang kanilang buong makakaya  at pagpupursige na makalaban sa Olympics.