AVC pres. Suzara. gustong mapataas ang ranking ng Philippine Volleyball Squad

Rico Lucero
photo courtesy: PSA

Bilang bagong-halal na presidente ng Asian Volleyball Confederation (AVC),  si Ramon “Tats” Suzara, nasa kaniya ngayon ang bigat ng responsibilidad para mapagbuti at makita ang malaking improvement ng Philippine National Volleyball Federation. 

Siya rin ang pinuno ng organizing committee para sa pagho-host ng bansa ng FIVB Men's World Championship sa Setyembre sa susunod na taon, 

Ani Suzara, pagsisikapan pa nila na lalo pang mapa-unlad at mapagbuti  ang national team ng kalalakihan at kababaihan, at maka-agapay sa mabilis na improvement ng mga manlalaro.

Mula nang mahalal  bilang presidente ng PNVF, ang koponan ng Pilipinas ay nasa No.117 sa buong mundo. Matapos ang halos tatlong taon sa ilalim ng kanyang pangangasiwa, ang Men’s team ay nasa No. 56 na ngayon at ang women’s team, ay nasa No. 63.

“We need to improve, improve, improve. I want them to go up higher in the rankings like what Gilas Pilipinas is doing,” adding that improvement should not only come from players but the coaches as well. ani Suzara. 

Pinagtutuunan din ngayon ng pansin ni Suzara na magkaroon ang ating national team ng  mas maraming international exposures at gusto rin nitong palakasin ang mga grassroots  habang naghahanap ng mga bagong talento na mas bata at mas matangkad sa ilalim ng edad, 14, 16, 18, 21, na age group. 

“We will go back to the grassroots in Luzon Visayas and Mindanao. There’s still a lot of tall players in the provinces. I’m sure madami pa, Our national teams need 30 international matches a year.  And we will do this. Kung maaari lang na one year wala sila dito we will do that though it’s expensive,” dagdag ni Suzara.