PBA: Kuryente ng Bolts nalusutan ng signal ng TNT
Nalusutan ng TNT Tropang Giga ang kuryente ng Bolts sa score na 108-99 para manguna sa Group A sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Governors’ Cup.
Na-sweep ng TNT ang kanilang group stage match-up laban sa Meralco, ang Philippine Cup champion noong nakaraang season, matapos manalo noong Agosto 22, 93-73.
Pinagtulungan nina Calvin Oftana at Rondae Hollis-Jefferson ang koponan para dalhin ang TNT sa 6-1 standing sa Group A.
Humanga naman at natuwa si coach Chot Reyes sa ipinakitang effort ng kaniyang koponan para maipanalo ang laban.
"We knew that they were going to come back. We had no pretensions, we had no illusions that it was going to be easy by any means. So we just reminded everyone in the timeout, okay, they're making their run. Let's focus and just get what we need to do," ani Reyes.
Samantala, tinanghal namang Player of the Game si Calvin Oftana matapos na makapag-ambag ng 25 points, habang nakatulong din ang mga puntos na ginawa nina Hollis-Jefferson mayroong 22 points, Aurin 16 points Castro na may 12 points at si Erram na may 11 points.
Bagaman pinagsikapan ng Meralco na maipanalo ang laban subalit dahil na rin sa higpit ng depensa ng TNT ay nasayang ang ginawang 26 points at 11 rebounds ni Allen Durham at 23 points ni Chris Newsome, kung saan nabigo ang hangarin ng Bolts na maiwasang mahulog sa 5-2 slate.
The Scores :
TNT 108 - Oftana 25, Hollis-Jefferson 22, Aurin 16, Castro 12, Erram 11, Pogoy 9. Williams 9, Nambatac 4, Heruela 0, Khobuntin 0.
MERALCO 99 - Durham 26, Newsome 23, Quinto 12, Cansino 12, Banchero 10, Caram 8, Pasaol 4, Rios 4, Bates 0, Pascual 0, Mendoza 0, Jose 0.
QUARTERS: 32-20, 49-44, 78-67, 108-99.