Billiard: Rubilen Amit target maging kampeon sa 2024 China Open at World 10-Ball Championship
Matapos maging kauna-unahang Pinay cue master sa katatapos na 2024 WPA Women World 9-Ball Championship. Target naman ngayon ni Rubilen Amit ang makuha ang dalawang kampoenato kung saan isa na rito ang 2024 China Open sa Shanghai sa linggong ito at ang World 10-Ball Championship sa Puerto Rico sa Nobyembre.
Plano rin ni Amit na sa Taiwan na magsanay, sinabi nito na ang mindset niya sa pagpunta sa kanyang unang tournament ngayong taon ay upang tamasahin ang karanasan at yakapin ang bawat hamon.
"From here, there's a China Open in Shanghai, and then I go back home. I might go to Taiwan to maybe play a bit. And then after that, there's another tournament in a province in the Philippines, but that's against men players ... that's for experience and to learn from them. And then in November, there's Puerto Rico, that's the World Ten-Ball Championships," ani Amit.
Aminado rin si Amit na hindi naging madali para sa kaniya ang pagiging kauna-unahang Pinay cue master na naging kampeon sa 024 WPA Women World 9-Ball Championship, hindi niya lubos maisip na ang lahat ng tagumpay na kaniyang nakamit ay bunga ng biyaya ng Diyos sa kaniya.
“I’ve been figuring out ways to put everything that has transpired into words. I am overwhelmed by God’s grace. Everything was perfect! Thank you, Lord! I am nothing without you,” ani Amit.
Si Amit ay gumawa ng back-to-back semi final appearances noong 2018 at 2019 subalit naging mailap sa kaniya ang panalo subalit hindi ito nagpakita ng pagsuko at panghihina bagkus ipinakita niyang determinado at matatag ang kaniyang loob na makakamit din niya ang tagumpay na kaniyang inaasam.
“The draw was one of the toughest I had to go through, but I enjoyed every match,” said Amit, who had to overcome three-time champion Han Yu of China and 2013 winner Chou Chieh-yu of Chinese Taipei to make it to the knockout stage,” dagdag pa ni Amit.