Kalahok sa Philippine swimming squads pinangalanan na

Keanna Wren
PHOTO COURTESY: PHILIPPINE AQUATICS INC. FACEBOOK PAGE

Nakatakda na ang mga koponan ng Pilipinas na lalahok sa World Aquatics Swimming World Cup, Southeast Asia Age Group Championships, at Asian Open Water Swimming Championships.

Kasunod ng pagtatapos ng national trials na ginanap noong nakaraang buwan, ang mga swimmers na sasabak sa mga international events ay pinangalanan na.

Pinangungunahan nina 2022 Southeast Asian Games gold medalist na si Chloe Isleta, na nanguna sa listahan na mayroong 770 World Aquatic points, at SEA Games record holder na si Xiandi Chua ang women’s team sa World Cup series sa pangkat ng short-course, kasama sina Filipino-American Cristina Miranda Renner at World Junior Championships semifinalist Micaela Jasmine Mojdeh.

Samantalang ang men’s team naman ay papangunahan nina Joshua Gabriel Ang at Miguel Barreto, kasama sina Kyle Gerald Valdez, Rian Tirol, Metin Junior Mahmutoglu, Rafael Barreto, Jerard Jacinto, Nathan Jao, Lucio Cuyong II, Raymund Paloma, Albert Jose Amaro II at Robin Domingo.

Magsisimula ang Cup series sa Shanghai, China mula Oktubre 18-20; kasunod ang Incheon edition mula October 24-26; ang Singapore leg naman ay gaganapin mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2; at ang Cup Championships ay mangyayari mula Disyembre 10-15 na gaganapin sa Budapest, Hungary.

Ang koponan naman ng bansa na lalaban sa SEA Age Championships long course na gaganapin mula Disyembre 6-8 sa Bangkok, Thailand ay pangungunahan nina Riannah Coleman at Billie Mondonedo. 

Kasama sa girls’ team sina Mojdeh, Shania Joy Baraquiel, Ava Samantha Bautista, Liv Abigail Florendo, Sophia Rose Garra, at Bacolod-based na si Maxene Hayley Uy.

Ang men’s team naman ay binubuo nina Gian Santos, Jamesray Michael Ajido, Albert Jose Amaro, Ryian Zach Denzel Belen, Jaydison Dacuycuy, Fil-German Alexander George Eichler, Fil-Mongolian Enkhmend Enkhmend, Ivo Nikolai Enot, Peter Dean and Reiniel Mikos Trinidad.

Ang Filipino swimmers naman na sasali sa Open Swimming tilt na gaganapin sa Hong Kong mula Nobyembre 8-10 ay sina Grazielle Sophia Ato, Athea Margarette Lagunay, Athena Chang, at Hannah Sanchez para sa women’s team, habang ang men’s team naman ay binubuo nina Paulo Labanon, Rafael Cruz, Roy Angelo Rodriguez at Eirron Vibar.

“Nalagpasan nila ang qualifying, which is good for them. Umaasa akong mapapanatili nila ang kanilang momentum. But I should warn them that the road to greatness has just started for them,” saad ni Eric Buhain, secretary-general ng Philippine Aquatics Inc.

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more