PBA: NLEX hindi nakaporma sa panalo ng Beermen

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Hindi na nagawang makaporma pa ng  NLEX Road Warriors matapos na matalo ito ng San Miguel Beermen sa score na 119-114 sa nagpapatuloy na PBA Governors Cup, nitong Miyerkules.

Ito ang ikatlong sunod na pagkatalo na naranasan ng Road Warriors sa conference, habang ito naman ang magkasunod na panalo ng Beermen matapos na manalo din ito laban sa Rain or Shine noong nakaraang Linggo kaya mayroon na rin silang 4-2 win-loss record at pangatlo sa ranking sa Group B. 

Ayon kay SMB coach Jorge Gallent, nalungkot siya dahil sa first half ay nagkaroon sila ng lapses sa pagdating sa depensa ng laro, bagaman, ito na ang naging susi kaya naipanalo nila ang laban.

"Sa first half, marami kaming natutulungan, sobrang nakatulong kaya sila (Road Warriors) open shots. May na-challenge at may hindi. Pero wala masyadong (mali) sa second half ,"  ani Gallent.

Samantala, nanguna sa panalo ng Beermen si CJ Perez na nakapagtala ng 24 points habang nakuha ni Marcio Lassiter ang Player of the Game kung saan nakapag-ambag ito ng 17 points at anim na rebounds.

Nagtala rin ng 17 points at siyam na rebounds si June Mar Fajardo habang ang bago nilang import na si Sheldon Mac ay mayroong 16 points.

Pagkatapos ng laban ng SMB kontra NLEX, sunod na haharapin ng Beermen ang Phoenix Fuel Masters sa araw ng Biyernes September 13,  habang sasagupain naman ng NLEX ang  Rain or Shine sa susunod na Martes, September 17. 

The scores:

San Miguel 119 – Perez 24, Fajardo 17, Lassiter 17, Mac 16, Trollano 16, Romeo 13, Cruz 10, Ross 3, Tautuaa 2, Brondial 1, Rosales 0, Nava 0.

NLEX 114 – Bolick 24, Miranda 18, Henry 17, Valdez 15, Rodger 11, Amer 10, Herndon 9, Policarpio 4, Marcelo 4, Fajardo 2, Nermal 0.

Quarters: 27-23; 57-57; 86-92; 119-114.

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more