Albert Capellas, itinalaga nang bagong coach ng Men’s Football team

Rico Lucero
photo courtesy: Handout/PFF-PMNFT

Itinalaga na ng Philippine Football Federation (PFF)  bilang opisyal na coach ng Men’s Football Team si Albert  Capellas. 

Si Capellas ang kapalit ng Tom Saintfiet at ni coach Norman Fegidero Jr. 

Ayon kay PFF Director Freddy Gonzales si Capellas ang angkop umanong tao para sa koponan at malawak aniya ang kaalaman at ideya nito para sa larong football lalo na sa Europa at Asya. 

"[Siya ay] isang tao na naglalaman ng aming ideya kung paano dapat laruin ang laro, at may mga dekada ng karanasan na matagumpay na ipinatupad ang istilong ito sa iba't ibang elite na kapaligiran sa pagganap sa buong Europa at sa Asia," ani Gonzales. 

Pangako naman ni Capellas, gagawin umano niya ang lahat ng makakaya kahit pa hindi magiging madali ang kanilang paglalakbay at pakikipaglaban sa mundo ng football. 

"I'm very proud to be a part of this journey. For me it's a fantastic feeling to be here, to help the Federation to go to the next level kasi 'yun ang hinahanap nila." ani Capellas

"Nang hilingin sa akin ni Freddy na sumali sa proyektong ito at ipinaliwanag sa akin kung ano ang kanilang ginagawa para mapahusay ang federation, at maihatid ang pinakamahusay para sa mga manlalaro, at kung paano niya gustong lumapit sa football para sa mga darating na taon sa mga koponan ng Pilipinas, ako ay nakahanay at nakuha nito ang aking pansin. Hindi ito magiging madali - wala sa football - ngunit maaari naming ipangako na gagawin namin ang aming makakaya." dagdag pa ni Capellas. 

Aniya, gagamitin umano ni Capellas ang pagkakataon lalo na ang paparating na FIFA windows sa Oktubre at Nobyembre gayundin ang ASEAN Championship sa Disyembre para pabilisin at paunlarin pa ang kakayahan ng koponan para maging kwalipikado sa 2027 Asian Cup. 

Samantala, magiging assistant coach naman ni Capellas si Norman Fegidero Jr. sa national team.