Billiard: Rubilen Amit kauna-una­hang Pinay cue master na nakasungkit ng World 9-Ball crown

Jet Hilario
photo courtesy: PREDATOR PRO BILLIARD SERIES FB

Nasungkit ni Pinay cue master Rubilen Amit ang 2024 WPA Women World 9-Ball Championship nitong Linggo, sa New Zealand, kontra kay Chen Siming ng China sa race-to-4 racks, best-of-5 sets championship round dahilan kung kaya nakuha nito ang 3-1 na panalo. 

Tinalo ni Amit si Shen sa mga score na 1-4, 4-2, 4-3 para mapasa kamay niya ang ikatlong world  title, kung saan unang nag kampeon si Amit sa World 10 Ball events noong 2009 at 2013 edition. 

Bago pa man makuha ang  World 9 Ball title ay tatlong beses sumubok si Amit kung saan, napataob nito sa knockout round si Chezka Centeno sa score na 3-1 sa first round kasunod si Wei Tzu Chien sa quarterfinals sa score na 3-2 at si Kristina Tkach sa semifinals sa score naman na 3-2.  

Samantala, hinangaan naman ni Amit ang kalaban nitong si Siming sa husay at galing nito sa paglalaro ng billiard. 

“She played really well especially in the first set. I was having difficult time adjusting my stance. I started really slow so I was really hopeful that I could pick it up towards the second set, I am very fortunate that it happened the way that it did,” ani Amit