PH Men’s Football Team nagtapos sa 4th place matapos matalo vs. Tajikistan dahil sa penalties

Rico Lucero
photo courtesy: PMNFT’s Bjorn Martin Kristensen

Natapos na ang kampanya ng Men’s Football team ng bansa sa 2024 Merdeka Cup sa Malaysia matapos na matalo ito kontra Tajikistan dahil sa mga nakuha nitong penalty shootout, sa score na 4-2 nitong Linggo. 

Itinuturing namang tagumpay ni veteran footballer Patrick Reichelt ang nangyari sa kanilang pagkatalo, sinabi ni Reichelt na marami silang dapat na i-improve at dapat baguhin pagdating sa kanilang istilo ng kanilang paglalaro.  

“It feels like a success even though we lost in the penalties. There’s a lot of improvement in the way we press and the way we played. There’s a lot of positives to take from this game and to bring to future camps,” ani Reichelt

Bagaman nabigo sa kanilang hangarin na makakuha ng panalo at makapasok para sa ikatlong pwesto positibo pa rin ang koponan na balang araw ay makakasungkit din sila ng panalo, hinangaan din ng goalkeeper na si Kevin Mendoza ang kanilang teammates dahil kahit paano ay gumana ang kanilang playing style. 

“Ito ang kinabukasan ng Pilipinas. Gusto naming maglaro and I think ipinakita namin kung ano ang kaya naming gawin. Naglaro kami ng maraming possession at sa tingin ko, dominado namin ang laro at may pinakamaraming pagkakataon din. Kaya sa palagay ko karapat-dapat kaming manalo, ngunit iyon ay football kung minsan,”  ani Mendoza

Magugunitang ang Men’s Football team ay nasa transition ngayon matapos umalis ng Belgian coach na si Saintfiet, upang sumali sa African football team na Mali.

Nabakante ang kanyang posisyon noong Agosto, at nang malapit na ang Merdeka Cup, inihalili  ng Philippine Football Federation si Norman Fegidero para pansamantalang maging coach ng Philippine Men's football team, sa kabila ng biglaang pagpapalit ng coach, nakipagsabayan pa rin ang Pilipinas sa Asian Cup quarterfinalist kontra Tajikistan. 

Haharap naman at makikipagsagupaan ang Men’s Football Team  sa King’s Cup sa Thailand mula Oktubre 7 hanggang 15.

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
5
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
11
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
11
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
7
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
7
Read more

Angeline Colonia wagi ng ginto sa Asian Junior Weightlifting

AngelineColoniaPhilippineWeightliftingWeightlifting
7
Read more

Alas Pilipinas, sasagupa sa Thailand bukas sa SEA V.League Leg 1

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanShainaNituraEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasPhilippineVolleyballPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
4
Read more

Cone, naniniwalang handa ang Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup

CoachTimConeCalvinOftanaJuneMarFajardoChrisNewsomeGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
4
Read more

PSC Chair Gregorio, dumayo sa China para sa Gilas Pilipinas Women

GilasPilipinasWomenJohnPatrickGregorioAlPanlilioGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineSportsCommissionBasketball
13
Read more

June Mar Fajardo aminadong nahirapan sa depensa ng TNT

JuneMarFajardoJerichoCruzMarcioLasiterLeoAustriaAlfrancisChuaSanMiguelBeermenPBABasketball
5
Read more

Zamboanga Valientes hindi na itinuloy ang pagbili sa Terrafirma Dyip

BobbyRosalesWillieMarcialAtty.OgieNarvasaJunnieNavarroTerrafirmaDyipBasketball
6
Read more

Manny Pacquiao at Mario Barrios, kapwa humiling ng rematch

MannyPacquiaoMarioBarriosBuboyFernandezFreddieRoachPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
5
Read more

Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

LeoOrdialesBryanBagunasMarckEspejoRamonSuzaraAlasPilipinasPhilippineVolleyballPNVFAVCVolleyball
9
Read more

Mario Barrios, magiging maingat pa rin sa laban kontra Pacquiao

MarioBarriosMannyPacquiaoWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationMPPromotionBoxing
10
Read more