Rain or Shine nakuha ang ikalimang panalo vs. Fuel Masters
Matagumpay na nakuha ng Rain or Shine Elasto Painter ang kanilang ikalimang panalo kontra Phoenix Fuel Masters matapos na tambakan ito sa score na 122-107 sa pagpapatuloy ng PBA Governors’ Cup season 49.
Dahil dito, isang panalo na lang ang kailangan ng Elasto Painters para makausad na sila sa quarterfinals.
Ayon kay coach Yeng Guiao, naging mahalagang aral sa koponan ng Elasto Painters ang kanilang mga natutunan at karanasan nila sa mga nakaraang mga laro kasama na ang naging pagkatalo nila sa kamay ng SMB noong September 5.
"Sa tingin ko ang importante ay lumabas tayo sa larong ito kasama ang ating mga natutunan, mga karanasan sa laro," ani Guiao.
Sinabi pa ni Guiao na ginawa lang aniya nila ang kanilang trabaho at buong makakaya kahit pa sa pakiramdam niya ay sobrang pagod na ng kanilang mga manlalaro hanggang sa fourth quarter ng laro kung saan sila umarangkada ng todo para makalayo ng puntos.
“So we just tried to work hard on making his shots more hard, try to make him less efficient, ‘cause we know he’s going to score anyway. We feel that at some point he's gonna get tired, at some point his percentages are gonna go down. 'Yun nga, nangyari ng fourth quarter. Siguro napagod na rin siya," dagdag pa ni Guiao.
Nanguna sa panalo ng Rain or Shine si Adrian Nocum na nagtala ng 16 points at 10 rebounds - ang kanyang unang career double-double, habang mayroong 16 points at 11 rebounds si import Aaron Fuller, at tinanghal naman bilang player of the game si Gian Mamuyac na nagtala ang 14 points sa loob ng 22 minuto.
Matapos na manalo kontra Fuel Masters, sunod namang haharapin ng Elasto Painters ang Barangay Ginebra sa Biyernes, September 13 sa Araneta Coliseum.
The Scores :
RAIN OR SHINE 122 - Nocum 16, Fuller 16, Mamuyac 14, Asistio 13, Caracut 12, Tiongson 12, Lemetti 12, Clarito 10, Ildefonso 6, Santillan 5, Borboran 2, Datu 2, Escandor 2, Escandor 2 Belga 0.
PHOENIX 107 - Francis 31, Perkins 22, Ballungay 11, Rivero 9, Garcia 8, Siyud 8, Jazul 4, Muyang 4, Alejandro 3, Tio 2, Mocon 2, Verano 2, Salado 1, Manganti 0, Tuffin 0 , Daves 0.
QUARTERS: 31-33, 64-57, 87-85, 122-107