Philippine Olympic Committee pinaghahandaan ang 33rd Southeast Asian Games sa susunod na taon.

Rico Lucero
photo courtesy: Abraham ‘Bambol’ Tolentino/FB

Pinaghahandaan naman ngayon ng Philippine Olympic Committee ang isasagawang 33rd Southeast Asian Games sa Thailand sa Disyembre 9-20 ng  susunod na taon. 

Ayon kay POC chair, Abraham Tolentino, nag-aalala sila dahil sa maaari aniyang mawalan ng tsansa ang bansa na makakuha ng gintong medalya dahil sa hindi na umano isinama ng Thailand ang apat na sports sa kanilang programa, magka gayunman, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang POC sapagkat umapela na ang POC at hihintayin na lamang nila umano ang magiging resulta ng pagpupulong ng SEAG Federation sa susunod na buwan. 

“The SEA Games next year in Thailand is a concern, we’re bound to lose eight gold medals in four sports dropped by the Thais from their program,” said POC president Abraham “Bambol” Tolentino. “But we’re not losing hope, the appeal is there, and it will be decided in a SEAG Federation meeting next month,” ani Tolentino. 

Kabilang sa mga sports na iniapela ng POC ay weightlifting, wushu, jiu-jitsu at karate na kung saan ay mahirap para sa mga taga Thailand na dominahin ang mga naturang laro. 

“It’s a tough task considering that the Thais will be hard-pressed to dominate the games,” dagdag pa ni Tolentino.