PBA: Converge, tinapos na ang tatlong sunod na talo vs. Northport

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Tinuldukan na agad ng Converge FiberXers ang kanilang tatlong sunod na pagkatalo matapos na makuha na ang panalo sa nagpapatuloy na PBA Governors Cup nitong Miyerkules.

Pinagtulung-tulungan nina Alec Stockton, Bryan Santos, at Schonny Winston ang laro para makamit ang panalo kontra sa NorthPort Batang Pier sa score na 107-99. 

Ayon kay Converge coach Franco Atienza, naging maganda ang pagsisimula ng kanilang laro noong first half subalit nang malusutan na nila ang third quarter ay sa last quarter na ng laro sila natiyak ng kanilang panalo.

“Medyo maganda ang umpisa namin noong first half, pero ‘yung third quarter ang lusot namin sa larong ito. "Nagkataon lang na noong fourth quarter ay nagkaroon kami ng determinasyon. We were able to get a grind out win," ani Atienza.

Dagdag pa ni Atienza na hindi lamang ang  kanilang import ang nakakuha ng magandang puntos kundi maging ang kanilang mga lokal na manlalaro. 

“We’re glad that our locals... stepped up, but more so on the defensive end,” dagdag ni Atienza.

Samantala, nanguna sa panalo ng Converge si Alec Stockton na nagtala ng 21 points habang si Winston na tinanghal na Player of the Game ay mayroong 17 points at siyam na rebounds.

Dahil sa panalong ito ng Converge mayroon na itong 3-4 win loss record sa Group A. 

Haharapin ng Converge ang Terrafirma Dyip sa Sabado, Sept. 14, habang ang Northport naman ay lalabanan ang kuryenteng hatid ng Meralco Bolts. 

The Scores:

Converge 107 – Stockton 21, Winston 17, Santos 15, Hopson 12, Racal 10, Delos Santos 9, Ambohot 6, Nieto 6, Cabagnot 5, Arana 4, Andrade 2, Vigan-Fleming 0, Fornilos 0, Caralipio 0, Zaldivar 0.

NorthPort 99 – Jois 24, Tolentino 21, Munzon 13, Navarro 11, Jalalon 9, Nelle 7, Cuntapay 5, Amores 4, Tratter 3, Flores 2, Yu 0, Bulanadi 0, Onwubere 0.

Quarters: 29-26; 55-43; 71-71; 107-99.

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more