UFC: Jean Claude "The Dynamite" Saclag, pinasabugan ang kalabang Koreano ng TKO
Nakaranas ng maagang pasabog ang koreanong si Lee Jun Young mula sa mga kamay ni Mixed Martial Artist na si Jean Claude “The Dynamite” Saclag ng team Lakay Philippines matapos na makuha ni Saclag ang maagang panalo nito sa pamamagitan ng TKO.
Ito rin ang debut fight ng three-time SEA Games Gold Medallist na si Jean Claude Saclag ng Team Lakay sa ONE Friday Fights, kung saan ipinakita nito ang kanyang makamandag na striking skills kontra kay Lee.
Nakaranas ng sunod-sunod na suntok si Lee mula kay Saclag dahilan kung kaya lumagay sa defensive mode agad si Lee hanggang nakatikim ng sipa si Lee na siyang unang bagsak nito sa lona at dito na nakakita ng pagkakataon ang Filipino fighter na magpakawala pa ng mga kombinasyon hanggang tinamaan ni Saclag sa panga si Lee at tuluyan nang bumagsak ang koreanong kalaban nito.
Dahil sa pagkakapanalo ni Saclag sa kaniyang debut fight sa One Championship, meron na itong 3-1 record kung saan, ito na rin ang kaniyang ikatlong sunod na panalo, samantalang ang kalaban nitong si Lee Jun Young ay bumagsak sa 5-2 slate